1

3.7K 52 5
                                    

Tumunog na ang bell, senyales na awasan na. Pagkaayos ko ng gamit ko ay tumayo na agad ako para lumabas ng classroom, pupunta pa ako ng library para ibalik ang mga books na hiniram ko.

After kong maibalik, napag pasyahan ko ng umuwi, pero nang mapadaan ako sa classroom namin narinig ko sina Itadori at mga kaibigan n'ya na nag uusap.

"Itadori, kung papipiliin ka sa mga kaklase nating babae.. sino pipiliin?" narinig kong tanong ng kaibigan n'ya kaya lumapit ako sa may pintuan para marinig ang pinag uusapan nila.

"Wala siguro.." sagot ni Itadori.

"Huh? Kailangan mo pumili!"

"Eh? S'ya kung papipiliin ako, si Ozawa." nagulat ako nang sabihin ni Itadori ang pangalan ko.

"Uten! Mataba 'yun ih" medyo na lungkot ako sa narinig ko.

"Hm? Pero kung paano s'ya kumain,'yung sulat n'ya at iba pang bagay sa kan'ya ay maganda." medyo na touch ako sa sinabi n'ya. Pero napag pasyahan kong umalis na dahil ayoko nang marinig ang pang iinsulto saakin ng mga kaibigan n'ya.

Madali lang para sa mga babae ang tumaba, pero sa kaso ko ay bata palang ako mataba na ako. Pero para saakin wala akong interest na piliin 'yung mga taong ayaw ako piliin.

Si Itadori, tumitingin s'ya sa side ko na hindi ko namamalayang meron ako. Ayoko sa lahat ng mga lalaki maliban kay Itadori.

S'ya lang ang kaisa isang lalaki na naging mabuti saakin. Kaya naman nang maka graduate na kami ng high school, nalungkot ako dahil hindi na kami sa parehas na college school papasok.

Gumising ako ng maaga dahil ngayong araw ang enrollan namin for second semester. By the way 4th year college na pala ako.

Naupo ako sa kama ko saka nag stretch ng kamay. After no'n napatingin ako sa table sa tabi ng kama ko at nakita ko 'yung picture namin ni Itadori nung high school graduation namin. Kamusta na kaya s'ya? It's been 3 or 4 years na simula nung nakita ko s'ya.

Tumayo na ako at dumiretso sa bathroom para maligo. Humarap ako sa sink at tinitigan ko 'yung sarili ko sa salamin.

Sa mga nag daang taon, nagbago ang itsura ko. Pumayat na ako at tumangkad. Ngayong nagbago na ang itsura ko, posible kayang.. magustuhan na ako ni Itadori?

Napahawak ako sa mukha ko.

Nung high school ako, madalas ako ma bully dahil sa itsura ko. Maliit ako at mataba, masasabing hindi naging maganda ang high school life ko. Pero nang magbago ang itsura ko, naging iba ang trato saakin ng mga tao. Ibang iba sa trato saakin noon. Ito ba 'yung tinatawag nilang pretty privilege?

Pero hindi naman ako nagpapayat para lang magustuhan ako ng mga tao. Namayat ako dahil nung lumipat kami sa city ay kinailangan kong mag adjust at maadopt kung paano sila namumuhay dito. Siguro dala narin ng stress sa college kaya rin ako namayat.

Ang dami ko ng sinasabi, makaligo na nga!

***

Nakabihis na ako ngayon at nag papatuyo na ng buhok. Isang sem nalang graduate na ako, konti nalang makakapag tapos na ako huhu buti naman.

After ko mag patuyo ng buhok, nag ayos na ako ng sarili ko. Nag suot narin ako ng sapatos at ng masiguro kong wala na akong nakalimutan ay umalis na ako.

Walking distance lang ang university mula dito sa dorm ko. Ang laking tipid nito saakin kaya naman malaki ang sumosobra sa allowance ko.

After 15 minutes of walking, nakarating na ako ng university. Binati ako ng mga kakakilala ko at binati ko sila pabalik. Naglakad na ako papunta sa classroom namin dahil doon gaganapin ang enrollan namin.

Pagdating ko ng room, nagulat ako ng may makita akong lalaking naka white na hoodie tapos pink ang buhok na naka upo sa loob. Ilang segundo akong hindi nakagalaw dahil sa gulat. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kilalang kilala ko s'ya.

A-Anong ginagawa n'ya dito?

"I-Itadori.. Yuji?" banggit ko ng pangalan n'ya, tapos napatingin s'ya sa gawi ko.

"Oh? Ozawa?"

***

Started: September 4, 2023
Finished: September 7, 2023

-

Brief explanation about the character for those who don't watch the anime.

Itadori Yuji (from Jujutsu Kaisen) is the main protagonist of the Jujutsu Kaisen series. He is the son of Jin Itadori and Kaori Itadori. Yuji is the grandson of Wasuke Itadori who was living a normal life until he encountered Megumi and ate one of Sukuna's fingers. After becoming Sukuna's vessel, Yuji began attending Tokyo Jujutsu High alongside Megumi and Nobara as first-year students.

For more info, visit: https://jujutsu-kaisen.fandom.com/wiki/Yuji_Itadori

Thank you!

Photograph | Itadori Yuji - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Where stories live. Discover now