Last Part

527 20 2
                                    

This is it, graduation na namin. Hindi pa ako nakakarating ng school naiiyak na ako. Sinabi ni Mama ko huwag daw muna ako umiyak kasi mahuhulas ang make up ko.

Sumakay na ako ng car ni Mama at patungo na kami sa school, early kami ng 10 minutes. Pag marating namin doon hawak ko kamay ni Mama papasok ng campus. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko e. Sobrang daming tao sa campus ngayon sa totoo lang.

"Hey pretty!" pag tingin ko sa likod ko si Itadori pala. Naka slacks s'ya with white long sleeve polo and tie. Pogi!

"I-Itadori.." tawag ko sa kan'ya.

"Nandoon 'yung pila natin, tara!" tapos nag punta na kami doon.

***

Nag umpisa na ang ceremony. Ito 'yung naka ayaw kong part ng graduation,'yung mga nag sasalita hehe nakakaantok kasi.

Alphabetically arrange 'yung upuan namin kaya naman malayo saakin si Itadori. Gusto ko s'yang ka chikahan. Bale ganito 'yung pagkakasunod sunod nung nangyari kanina.

Una processional eto 'yung entrance namin papunta sa nga upuan namin, after n'yan entrance of color 'yan 'yung mga flag yata ng school if I'm not mistaken. Tapos national anthem, then opening remarks which is nag bigay ng speech 'yung president ng university. Tapos Inspirational message, which is 'yung chairman ng city ang nag bigay ng message.

Tapos kasalukyan kaming nasa 'Messages of commencement speaker'. Sinusundan ko 'yung pagkakasunod sunod nung nakalagay doon invitation na binigay saamin pag punta namin dito. After ng speech na ito distribusyon na ng diploma at awards.

Nang matapos na ang speaker, nagpalakpakan kami.

"And now for the distribution of diploma and awards may I call in.." ayan na diploma na.

Nag umpisa na ang distribusyon ng diploma at pangatlo yata ang course namin bago tinawag.

"And here are the graduates of Bachelor of Science in Civil Engineering Major in Structural Engineering.." kami na sa wakas.

Tumayo na kami ni Mama ko at pumila.

Since I si Itadori, nauna s'yang tinawag saakin. Nasa pang huling part ako kasi O ako.

Nung malapit na ako kinabahan ako ng todo.

"Mama what if madapa ako?" tanong ko.

"Hindi 'yan huminahon ka lang." nakalimutan ko nerbyosa rin pala nanay ko jusko it runs in our blood talaga.

After a while eto na..

"Ozawa, Yuko.. Cum Laude." omgggg! nag lakad na ako na kami ng stage tapos si Mama nag suot saakin ng medal omg omg!

Nang makababa kami ng stage niyakap ko si Mama sa sobrang tuwa.

"Hala ma, cum laude ako!" tuwang tuwang sabi ko. Naiiyak ako halos mapunit ko 'yung diploma sa sobrang saya ko.

***

Natapos na ang graduation, pero hindi muna ako umuwi. Sabi ko kay Mama huwag muna umuwi kasi may hinahanap pa ako. Pero sa sobrang daming tao dito sa field hindi ko mahanap ang hinahanap ko.

"Ozawa.." napatingin ako sa likod ko. Si Itadori, buti nalang kala ko hindi ko s'ya makikita. Kapwa kami may hawak na diploma at flowers. Lumapit s'ya saakin at niyakap ako.

"Congratulations." bati n'ya saakin. Nag smile ako at niyakap ko s'ya pabalik.

"Congratulations to us, Itadori." sabi ko tapos nag kalas kami ng yakap. Nagkatitigan lang kami, bakas ko ang lungkot sa mga mata n'ya. Tapos ako naman nangingilid na 'yung luha sa mata ko.

"Let's take a picture." sabi n'ya. Tapos nilabas n'ya 'yung camera n'ya, print cam s'ya 'yung nag lalabas ng polaroid pics.

Nakisuyo kami sa mga taong nadaan na kuhanan kami ng picture. Bale dalawang pic ang kinuha namin para tig isa kami. After namin mag picture nagkatinginan kami.

"Gusto pa sana kitang ayain ng dinner, pero nabago 'yung schedule ng flight namin. Mamayang gabi na 'yung alis ko." malungkot na sabi n'ya.

"I guess this is it na talaga. Goodluck sa journey mo sa states, take care always okay?" hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi mapaluha.

"Goodluck din sa journey mo, Ozawa. I'm hoping na magkikita pa tayo in the future. Don't forget me, okay? You're the best friend I've ever had." he said.

"I'll never forget you." I said tapos nag hug uli kami one last time. He's the best person I've ever had. He's also the greatest love of my life, my totga.

"See you around, Yuji."

"See you, Yuko.."

Let's meet again in the future..

THE END

What are your thoughts on this story? If you like it, kindly give a like and comment. I'll greatly appreciate it.

Photograph | Itadori Yuji - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Where stories live. Discover now