3

836 19 0
                                    

Today is the first day of school. Excited ako kasi gusto ko na ulit matuto at higit sa lahat, makikita ko na uli si Itadori. After kasi nung enrollan hindi na kami nagkita, ngayon nalang uli.

Inayos ko na 'yung uniform ko. Nga pala 'yung uniform namin ay depende sa course mo, pag kulay dark green civil engineering kaya naka dark green na vest ako. Nung maayos ko na ang sarili ko ay kinuha ko na ang bag ko.

Time check 6:30am. 7am start ng class kaya for sure naman hindi ako malelate. Pag labas ko ng condo marami akong kasabay mag lakad na pumapasok rin sa same school at sa dorm din naka tira.

Merong naka white (med), yellow (accountancy), blue (educ) at madami pang iba. Mukha kaming rainbow.

Monday 3 subs lang kami, 1 hour and 30 minutes each tapos ang lalaki ng vacant grabe. Sa library na naman ang tambay ko nito.

Hindi naman nakakapawis ang paglalakad kasi medyo mahangin naman. Kaya nang makarating ako sa school maayos parin ako itsura ko. Nang makarating na ako pumunta na ako sa engineering building. Sa dati parin naman ang classroom namin tulad nung first sem kaya hindi na ako nag hanap.

Nang makarating na ako sa tapat ng room. Bumuntong hininga muna ako, sana makita ko si Itadori pag bukas ko ng pinto.

Nag bilang ako ng 1,2,3 sa isip ko bago ko buksan at..

"Yow, Ozawa!" masayang bati saakin ni Itadori. Hindi ko na napigilan ang mapangiti ng makita ko s'yang naka upo sa classroom. Parehas kami ng kulay ng uniform, so legit ngang civil engineering ang kinuba n'ya.

"I-Itadori.. " pumasok na ako sa room. Nag hahanap ako ng mauupuan at tinuro n'ya ang vacant seat sa tabi n'ya.

"Ni reserve kita." naupo kaagad ako sa tabi n'ya. Ang bait n'ya talaga hindi s'ya nag bago. S'ya parin 'yung Itadori Yuji na nagustuhan ko.

"Thank you." sabi ko tapos binaba ko na bag ko. Hindi ko alam kung advantage ba ito disadvantage. Pwedeng ko s'yang maging inspiration at distraction at the same time huhu.

"B-Buti pala blockmate tayo." sabi ko. Nag smile naman s'ya.

"Oo nga e." sagot n'ya. Mag sasalita na sana uli ako nang biglang pumasok ang prof namin. Nyi may 5 minutes pa e. Pero hinayaan ko na, siguro naman ngayong first day puro orientations at introduce yourselves lang.

Everything went well, dalawang sub ang magkasunod tapos ang last class namin ay 4:30 pa e almost 11am pala. Ang laki ng vacant grabe pwede kapa matulog at umuwi.

Lumbas na ako ng classroom, bilib talaga ako kay Itadori. Kasi first day palang may mga ka close na kaagad s'ya sa mga kaklase ko. Samantalang ako before siguro it took me a month bago ako nakipag usap sa kanila.

Siguro mag lunch muna ako bago ako tumambay sa library. And yes, nag kumain muna ako sa unniv café, nang maka order ako nag hanap na ako ng table at gladly may nakita ako. Naupo na ako doon at pag baba ko ng tray saktong pasok ni Itadori kasama ang dalawa n'yang kaibigang lalaki. Hala nakakahiya, sana hindi n'ya ako makita. Okay lang sana kung s'ya lang e kaso may mga kasama s'ya.

"Ozawa!" napa angat ang dalawang balikat ko ng tawagin n'ya ako. Bago pa ako makalingon sa kan'ya ay nasa harapan ko na pala s'ya. Ang bilis.

"H-Hi." geez kahit kailan ang awkward ko talaga.

"Aayain sana kita kaso nauna kanang lumabas." nung makita kong lalapit saakin 'yung dalawa n'yang kaibigan ay napatungo agad ako.

"O-Okay lang naman ako." sagot ko.

"Sigurado ka?" tanong n'ya at tumango ako. After no'n nagpaalam na s'ya saakin kasi oorder na daw sila. Tapos after daw nila mag lunch pupunta sila kina Jiro, doon yata s'ya mag papalipas ng oras.

Hays ang hirap talaga makipag socialize sa iba. 4th year na ako pero wala parin ako ka close na kaibigan. Tho meron naman ako mga nakakausap na girls pero hindi ko sila matawag na friends kasi nag uusap lang kami patungkol sa subject. Kunwari group project ganun. Kaya so far, si Itadori palang ang nagiging kaibigan ko ngayong school year. Pero kung hindi s'ya nag transfer dito ay wala talaga ako kaibigan.

After ko kumain, nagpunta na ako sa library. Ang tahimik kasi sa library kaya gustong gusto ko dito, saka I like reading din talaga kaya parang comfort place ko itong library. Masasabi kong ito ang pinaka favorite kong place dito sa campus.

Kumuha ako ng books at saka na ako naupo at nag basa. Grabe inaantok ako, late na kasi ako nakatulog kagabi. Uwi kaya muna ako tapos balik nalang ako? Halos 5 hours pa next sub e. Hindi, hayaan ko nalang.

After several hours

Humihikab akong lumabas ng library. Buti hindi ako nakatulog at nakapag advance study pa ako. Pag dating ko sa room, kakaunti palang ang tao. 4:15 palang e. Naupo na ako da table ko at nag labas ako ng pocket book.

"Ozawa!"nagulat ako ng may tumawag saakin. Syempre sino pa ba ang tumatawag saakin ng ganito kung hindi si Itadori.

Nginitian ko s'ya tapos naupo na s'ya sa tabi ko. Tapos medyo nagulat ako ng may nilabas s'yang keychain tapos pinakita saakin.

"Charaaan. Diba sinabi mo saakin dati na favorite animal mo ang panda kaya eto. Ikaw naalala ko nung nakita ko 'tong panda keychain." kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hala naalala n'ya pa 'yon? Tinanggap ko ito.

"Thank you. Ang ganda at ang cute." naka smile na sabi ko habang nakatingin sa hawak kong panda keychain. "Saan mo nabili?" tanong ko.

"Sa mall. Dumaan kami doon e kasi may binili si Jiro." sabi n'ya. Napatango tango naman ko. Naalala n'ya ako nung nakita n'ya 'to? Ang sweet.

***

Uwian na namin at hinahatid n'ya na ako pauwi ng bahay. He's treating me special ba or nag aassume lang ako? Kasi naman, wala pang ganitong lalaki ang tumrato saakin kundi s'ya lang.

"I-Itadori." tawag ko sa kan'ya.

"Hm?"

"Uhm, g-gusto ko sana malaman kung anong type mo sa girl?" nag lakas loob akong mag tanong. Tapos tumingin muna s'ya saakin ng ilang segundo bago s'ya tumingin sa harap.

"Hmm. Type ko 'yung matatangkad na babae." napahigpit 'yung hawak ko sa sling bag ko.

"Ahh." sagot ko nalang. Nag aassume na naman ako.

After a minute nakarating na kami sa dorm ko.

"Bye, Itadori. Thanks sa pag hatid and ingat ka sa paguwi." tapos nag wave ako sa kan'ya.

"No probs! See yah!" iyon lamang at umalis na s'ya. Tapos pumasok narin ako.

So he's into tall girls huh..

Photograph | Itadori Yuji - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Where stories live. Discover now