4

632 14 0
                                    

"I'll assign you a group project. Don't worry hindi naman ito ganoon ka hirap." ayos bungad ng first week ah.

"Project agad e." rinig kong bulong ni Itadori. Tama nga naman, project agad wala paligoy ligoy.

"Gagawa kayo ng pocket book about sa nalalaman n'yo sa subject natin today which is engineering chemistry." paliwanag ni Prof. "Uhm para hindi tayo mahirapan, siguro group into 2 nalang tayo tapos ang magkakatabi, sila nalang mag partner." napatingin ako kay Prof. Huh? Kami daw ni Itadori ang partner???????

"Yown, ayos ren!" rinig kong sabi n'ya. Hala gusto n'ya ba ako ka grupo?

"Tayong dalawa?" tanong ko kahit na obvious naman.

"Oo, ayaw mo?" umiling ako kaagad.

"Hindi ah. Saan mo ba gusto tayo gumawa?" sa totoo lang kaya ko naman 'yon mag isa pero.. g-gusto ko s'ya kasama.

"Hmmm. Kung okay lang sa'yo pwede sa dorm ko or sa dorm mo. Kung saan ka comfortable." hmm saan nga ba? kung sa dorm n'ya naman baka hindi ako maka galaw sa sobrang hiya ko doon.

"Sa dorm ko nalang kaya?" tanong ko. Tumango s'ya.

"Pwede naman." sagot n'ya. Buti nalang ang extrovert n'ya for sure hindi s'ya mahihiya unlike me, sobrang mahiyain.

"This will be passed next week monday." ehhh? ang bilis naman.

"Monday agad e, s'ya umpisahan na natin mamaya?" tanong n'ya saakin.

"Free kaba after class? B-Baka kasi may pupuntahan ka." baka kasi may gala na naman sila nina Jiro ang friends.

"Free ako. Simulan na natin 'yan after class." tumango ako. Oo para mabilis narin matapos.

***

Lunch time, inaya ko si Itadori na sabay kami mag lunch kasi mag sheshare kami ng idea habang nakain. Hihi saka ito rin first time na makakasama ko s'ya kumain ng kami lang dalawa. Para tuloy date hihi.

"So, about sa subject. N-Naturo naman na siguro sa school mo dati 'yung chemistry noh?" tanong ko. Tumango naman s'ya.

"Oo, may konti naman akong naaalala. Pwedeng gawa tayo ng 10 pages then tih 5 pages tayo. Suhestiyon n'ya." napaisip ako. Napagtango tango ako.

"Pwede, depende parin naman kung gaano kadami ang natatandaan natin." sabi ko. Huhu ang komportable n'ya talaga kausap.

"Aba naman! Kaya pala hindi sumabay saamin kasi ka date si Ozawa!" nagulat ako sa boses ni Jiro kasi bigla s'yang sumulpot at inasar si Itadori. Napatungo ako dahil for sure mamumula ako. H-Hindi naman kami nag dedate e!

"Huwag ka nga magulo p're. Hindi n'yo ba gagawin in'yo?" sagot ni Itadori.

"Sus sus! Okay lang 'yan p're. Maganda at matalino 'yang si Ozawa kaya hindi kana lugi." eeeeeeee.

"Alis na nga!" tapos pinagtabuyan na n'ya sina Jiro. After no'n bumalik na s'ya sa upuan n'ya. "Sorry ah." nakangiwing sabi n'ya.

"Okay lang hehe." bagay ba kami? Omg umaasa na naman ako! "Itadori, may nagugustuhan kabang tao ngayon?" natigilan s'ya sa ginagawa n'ya tapos napatingin saakin. Kahit ako natigilan, hala ano bang sinasabi ko? "A-Ah hindi mo naman kailangan sagutin pasen-"

"Hmm.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng umakto s'yang parang nag iisip. "Sa ngayon?.." since gusto niyang sagutin, pinakinggan ko na lang s'ya. "Hindi ko alam e, 50/50 siguro?" hala so hindi s'ya sure kung may nagugustuhan nga s'ya? ang swerte naman kung sino 'yon kung meron man huhu.

"Swerte naman.." bulong ko.

"Swerte? Sino?" hala sa isip ko lang sana sasabihin!

"W-Wala." medyo nag panic ako. Ano ba naman 'to huhu.

***

Nung nag awasan na, sabay na kami ni Itadori pumunta sa dorm ko. Medyo maliit lang space ng dorm ko since mag isa lang naman ako, hindi comfortable dito kaya p-pinapasok ko s'ya sa kwarto ko. Mas malaki kasi space doon at nandoon lahat ng gamit na gagamitin namin. Kumpleto ako sa gamit.

Huhu first time sa buhay kong nagpapasok ako ng guy sa room ko!

"Woah, you still have this pic." nagulat ako nung tinitingnan n'ya ang picture namin nung high school graduation.

"U-Uhm, kasi memorable saakin ang pic na 'yan." sagot ko tapos lumapit ako sa kan'ya. "Ikaw lang ang naging kaibigan ko nung high school e." it's true, s'ya lang talaga naging kaibigan ko simula noon hanggang ngayon.

"Talaga? Hmmm s'ya sa graduation picture uli tayo para may souvenir tayong dalawa." sabi n'ya. Nagtaka naman ako.

"Souvenir?" bakit? aalis ba s'ya?

"You know after ko kasi gumraduate sa states na kami titira. Doon narin ako mag hahanap ng trabaho." nagulat ako sa sinabi n'ya. Doon na sila.. titira? Natigilan ako sa sinabi n'ya at nakaramdam ako ng matinding lungkot.

"Eh? B-Bakit naman?" hindi ko na uli s'ya makikita? Hindi ko ipinakita sa kan'yang nalulungkot ako sa sinabi n'ya. Paano na 'yan? Hindi pa nga ako nakakapag confess sa kan'ya. Halos 4 months nalang kami magkikita?

"Wala e doon kasi nag tatrabaho father ko tapos gusto n'ya kaming kunin at doon patirahin." hindi na ako nakapag salita. Iniisip ko palang na hindi ko na s'ya makikita naiiyak na ako. "Huwag ka malungkot, maliit lang ang mundo malay mo magkita uli tayo someday?" na sense n'ya palang nalulungkot ako. Sana nga magkita kami someday.

Napatalikod nalang ako nang may tumulong luha sa mata ko.

"I-I really hope so." tapos pinunasan ko luha ko gamit fingers ko.

***.

Nung napakalma ko na ang sarili ko, inumpisahan na namin gumawa ng project at isinantabi ko muna ang kalungkutan ko dahil kapag inisip ko na naman iyon ay for sure magiging emotional na naman ako.

Thank god nakaraos kami ng maayos at napag combine namin ang knowledge namin about sa subject. Inabot yata kami ng 4 hours kaya naman inalok ko s'ya na dito nalang kumain. Habang kumakain kami nag kukwentuhan kami tapos 'yung mga kinukwento n'ya puro nakakatawa kaya tawa ako ng tawa. Mixed emotions ang naramdaman ko ngayong araw.

I guess kung ilang bwan ko nalang s'ya makakasama, ienjoy ko na kasi baka pag sisihan ko pa in the future. Saka na ako aamin sa kan'ya kapag talagang handa na akong umamin. Binibuild up ko pa sarili ko e kasi takot ako ma reject. Pero who knows..

Photograph | Itadori Yuji - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Where stories live. Discover now