8

447 12 0
                                    

Weeks nalang ang natitira bago ang graduation namin. Konti nalang makakapag tapos na kami at makakahanap na ng trabaho. Balak ko kasi after ng graduation, mag aayos ako ng IDs bago ako mag hanap ng work.

May part din naman saakin na gusto ko pabagalin ang oras, gusto ko pa makasama si Itadori. Pag nag punta s'ya States siguro swertihan nalang kung mag kikita pa kami. Wala kasi akong balak mag trabaho sa ibang bansa huhu, kung may pupuntahan man akong bansa sigurado akong hindi America 'yon T^T.

"Ganda ng panahon." sabi ni Itadori habang nakatingin sa makulimlim na langit.

"Mukhang uulan nga e." sabay kaming nag lalakad palabas ng campus ni Itadori. Nag aya kasi s'ya mag laro daw kami ng video games sa dorm n'ya. Sabi ko hindi ako maalam mag games, tapos tuturuan naman daw n'ya ako. Pumayag ako agad hehe.

Wala naman na kaming masyadong ginagawa ngayon sa school kasi mag babakasyon na at busy na ang mga Prof sa pag hahanda ng graduation namin. Well may p.e pa pala kami. May last practicum pa kami na gaganapin next next day.

Hinatid kami ni Jiro sa dorm ni Itadori. Lagi nalang ginagawang service ni Itadori si Jiro hahaha. Ayaw naman na kasing magpabili ni Itadori ng kotse kasi aalis na naman s'ya after ng graduation. :(

Pagkarating namin ng dorm n'ya pinag buksan n'ya ako ng pinto. Medyo mas malaki 'yung dorm n'ya kesa saakin. By the way hindi ito ang first time na nakapasok ako sa dorm n'ya kaya hindi na masyadong awkward.

"Bihis lang ako." sabi n'ya tapos dumiretso s'ya sa taas sa kwarto n'ya para mag bihis. After 2 minutes naririnig ko na kaagad s'ya pababa ng hagdan, talk about fast.

"Kain muna tayo?" napatingin ako sa kan'ya at nanlaki ang mata ko. Sinusuot palang n'ya 'yung shirt n'ya kaya kita ko 'yung.. a.. a-abs n'ya! Napaiwas kaagad ako ng tingin.

"S-Sige. Mukhang masarap nga kumain." sabi ko. Tapos dumiretso s'ya ng kusina n'ya para mag luto. Marunong s'ya mag luto, mas marunong nga s'ya saakin e.

Nung matapos na s'yang gumawa ng pagkain, inihatid na n'ya sa salas. Dito kasi kami mag lalaro. Hindi pala s'ya nag luto, kimbap lang ginawa n'ya.

Tinikman ko kaagad ang 'yon at ang sarap. Sakto lang ang lasa.

"Sarap." sabi ko.

"Syempre." sagot n'ya.

After namin kumain, tinuruan na n'ya ako. Nung una hindi ko gets kasi ang daming pipindutin. Pero after 15 minutes na turuan, natutunan ko din finally.

"Nice, fast learner ka talaga." puri n'ya saakin.

"Slight lang hehe." nahihiya talaga ako sa mga compliments lalo na pag galing sa kan'ya.

Nag laro na kami, hindi ko alam 'yung tawag sa nilalaro namin pero masaya s'ya. Nag eenjoy ako kahit na lagi ako tinatalo ni Itadori. Habang nag lalaro kami biglang umulan ng malakas.

"Yan na nga po." sabi ni Itadori. Expected nang uulan kasi nga sobrang kulimlim bago kami pumunta dito. "Mamaya kana umuwi pag tila ng ulan, ihahatid kita." tumango ako.

"Sige." sagot ko. Tapos nagpatuloy kami sa paglalaro. Pero hindi parin natigil 'yung ulan nung matapos kami mag laro kaya nag suggest s'yang manood ng movie sa netflix. Mahilig pala s'ya sa mga movies, ngayon ko lang nalaman.

'Yung genre na pinili naming panoorin ay horror, at dahil nga likas na matatakutin ako't mahina ang loob.. wala pa sa kalhati 'yung pinapanood namin nakatakip na ako ng unan sa mukha.

"Aaaaaaaahhhhhh!"

"Hahahahahahahahahahahaha."

Panay jumpscare ang movie na ito kaya tili ako ng tili tapos si Itadori tawa ng tawa. Huhu masaya s'yang kinakapos ako ng hininga sa takot T^T.

Oras ang lumipas at mukhang walang balak tumila 'yung ulan. 10pm na huhu paano na ako uuwi n'yan wala na kami masasakyan.

"Hindi pa talaga natila." sabi ni Itadori habang nakatanaw sa pinto n'ya at pinag mamasdan ang buhos ng ulan.

"Paano na ako uuwi?" tanong ko.

"Pag nag 11pm tapos hindi parin tumitila 'yung ulan, dito kana magpalipas ng gabi." nag init ang pisngi ko sa sinabi n'ya.

"H-Ha? Dito ako matutulog?" tanong ko. Tumango s'ya.

"Doon ka sa room ko tapos dito ako sa sala, sanay naman ako matulog dito e." sabi n'ya.

"Ihh nakakahiya. Ikaw ang may-ari ng dorm na 'to, dito nalang ako." wala namang problema kung dito ako magpalipas ng gabi kasi weekends naman bukas kaya walang pasok.

"Ano kaba parang bago ka naman saakin. Dito nalang ako sa sala, if takot ka naman mag isa sa kwarto ko.. pwede ako doon, pero sa baba ako matutulog." sabi n'ya.

"Mas ayoko naman na sa lapag ka matulog noh!" sabi ko. Hiya ko nalang.

"So tabi tayo?" natatawang sabi n'ya kaya napaiwas ako ng tingin.

"H-Hindi naman sa ganon." sabi ko.

"I'm just kidding. Dito nalang ako sa baba. Pwede ka din dito kung gusto mo pa manood tayo ng movie tapos akyat ka nalang kapag inaantok kana." sabi n'ya. Pumayag ako kasi wala naman na akong magagawa, bahay n'ya 'to s'ya ang mag dedesisyon.

Nag luto na naman kami, pang apat na kain na namin ngayon. I swear ang sarap manood ng movie nang may kinakain tapos naulan.

This time comedy naman pinanood namin. Tawang tawa kaming dalawa ni Itadori, i think ito ang unang beses na tumawa ako ng ganito sa buhay ko. Plus nakakatawa 'yung tawa ni Itadori, parang machine gun T^T

After ng comedy, tragic naman. Iyak naman kami ng iyak dito kasi namatay 'yung bidang babae. Lahat yata ng emotion nagamit ko ngayong araw. Super happy ko talaga today grabe.

2am ng gabi gising pa kami, si Itadori mulat na mulat pa pero ako sobrang inaantok na ako. Nilalabanan ko nga antok ko pero ko na talaga kaya. Ang tibay naman ni Itadori sa puyatan.

Unti unti nang nag sara ang mata ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***

Pag mulat ng mata ko unang pumasok sa isip ko na hindi pamilyar ang kwartong ito kaya napabalikwas ako. Nasa kwarto pala ako ni Itadori. Pero naalala ko kagabi nasa sofa n'ya ako.

Napatingin ako sa bintana, ang ganda ng sikat ng araw. Mukhang maganda panahon, sa wakas makakauwi na ako.

Napahikab ako tapos nag stretch ako saglit bago ako bumaba. Pag baba ko nakaamoy ako ng mabango.

"Good morning." bati saakin ni Itadori.

"Good morning, paano ako nakarating ng kwarto? Pag kaka tanda ko dito ako nakatulog." turo ko sa sofa. Natawa naman s'ya.

"Nakatulog ka kaya binuhat kita papuntang kwarto ko." kaya pala. Kala ko nag sleep walk ako.

"Ganon? Thank you sa pag lipat saakin." sabi ko. Tapos nilapag na n'ya sa lamesa ang pagkain na niluto n'ya. Sinangag iyon tapos bacon, hotdog at egg ang niluto n'ya. Tapos binigyan n'ya rin ako coffee at bread.

"Kain na." sabi n'ya.

"Wow.." manghang sabi ko. Napak boyfriend material naman n'ya. "Thanks for the food." tapos kumain na kaming dalawa.

Super nag enjoy ako kahapon, for sure hindi na 'yon mauulit. Nagiging ganon ka saya lang ako kapag s'ya kasama ko e.

"After kumain, hahatid na kita." sabi n'ya tumango naman ako.

What a day!

Photograph | Itadori Yuji - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Where stories live. Discover now