7

454 16 0
                                    

Today, medyo napaaga ako ng pasok sa school. Akala ko kasi late na ako kasi ang sarap ng tulog ko kagabi, hindi na ako tumingin sa clock at naligo agad ako at nag bihis. Pag dating ko dito 30 minutes early ako. Pero hinayaan ko nalang, nag basa nalang ako ng pocket book..

20 minutes after hinihintay ko si Itadori pero wala pa s'ya. Hindi ba s'ya papasok? Usually kasi mas maaga s'ya saakin napasok. Ngayon 10 minutes nalang bago mag start ang first subject. Wag naman sana s'ya absent..

And then after 10 minutes sakto dumating s'ya tapos dumiretso kaagad sa tabi ko.

"Good morning, Itadori." bati ko sa kan'ya.

"Morning." nawala ngiti sa labi ko. Parang ang tamlay n'ya? Dati sobra ngiti n'ya pag papasok ng room pero ngayon naka simangot s'ya. Tatanungin ko na sana s'ya kung may problem ba s'ya pero bigla naman pumasok ang prof namin. I guess tanungin ko nalang s'ya mamayang break.

***

Lumipas ang first subject at tama nga ako, mukhang wala s'ya sa mood. Hindi n'ya ako gaano pinapansin, mag ooverthink na sana ako kasi akala ko saakin lang s'ya ganito pero kin Jiro rin pala. Hindi rin n'ya gaano pinag kakausap sina Jiro.

Nung nag break na hindi s'ya lumabas, tumungo lang s'ya sa desk n'ya. Nagdadalawang-isip ako kung kakausapin ko s'ya kasi hindi ko alam kung gusto n'ya ba ng kausap or hayaan ko muna s'ya for a while.

Tumayo ako sa chair ko and nag punta akong canteen. Bumili ako ng cup noodles at saka biscuits.

Nung pabalik na ako ng canteen, nakita ko si Itadori na papuntang student lounge kaya sinundan ko s'ya.

Umupo s'ya sa long sofa tapos tumabi ako sa kan'ya. Medyo nagulat s'ya saakin. Binaba ko naman ang noodles at iba pang binili ko sa table sa harap namin.

"Eat it. I know favorite mo ang cup noodles." sabi ko. Hindi s'ya nag salita tapos kinain n'ya 'yung binili ko. "Uhm, Itadori. You know, you can always talk to me if may problem ka." panimula ko. Tapos binaba n'ya ang cup noodles na kinakain n'ya.

"My grandpa died last night." nagulat ako sa sinabi n'ya. Kaya pala s'ya mukhang malungkot simula pag pasok n'ya.

"I'm sorry to hear that."

"It's okay." sabi n'ya tapos kumain nalang uli s'ya.

After n'ya maubos 'yung food, nag kwento s'ya saakin. Namatay daw ang lolo n'ya dahil sa lung cancer, kagabi daw binawian ng buhay. Sabi ng relatives n'ya hinahanap daw si Itadori ng lolo n'ya bago bawian ng buhay, pero nasa malayong lugar nakatira ang lolo n'ya at kahit pumunta man s'ya doon ngayon ay aabutin ng 2 or 3 days.

Sa pag kakatanda ko, lolo n'ya ang nag aalaga sa kan'ya dati dahil wala ang parents n'ya. Sobrang close siguro s'ya sa lolo n'ya kaya sobra s'yang nalungkot nung nalaman n'ya.

"Hindi man lang ako inintay makatapos, ilang bwan nalang e." ramdam ko 'yung pain sa boses n'ya. Napapansin ko kanina n'ya pa gustong umiyak pero pinipigilan lang n'ya. "Ozawa.." tawag n'ya saakin, pero sa lamesa lang s'ya nakatingin.

"Hmm?" sagot ko.

"Will I look weak if I cry?" tanong n'ya. Umiling kaagad ako.

"No. But you will be brave if you let out your emotions. It's okay to cry, Itadori. Crying won't make you look weak." sabi ko. Then kita ko kung paano mag tremble ang lips n'ya.

Then parang nag kusang loob 'yung katawan ko para yakapin s'ya. Umiyak s'ya sa mga balikat ko. Hinayaan ko s'yang umiyak hanggang sa maging okay ang nararamdaman n'ya.

He's been always there for me kaya it's time naman para ako naman ang makinig at mag comfort sa kan'ya. That's what good friends do right?

After a good 5 minutes of crying, kumalas s'ya ng yakap saakin. Inabutan ko s'ya ng tissue at nag punas s'ya ng luha n'ya.

"Sorry kung sa tingin mo hindi kita pinapansin kanina. Wala lang talaga ako sa mood." he said.

"I totally understand. Kung nasa sitwasyon mo ako baka ganun din ang gawin ko." I said.

"Thank you, Ozawa. First time ko umiyak sa harap ng isang tao. I feel more better now kasi nakaiyak na ako. I feel safe kaya na express ko ang nararamdaman ko sa'yo." na touch ako sa sinabi n'ya. He seems so comfortable na talaga saakin and I like that.

"Ganun din naman ako sa'yo. We feel safe around each other kaya next time kung may problem ka talk to me agad, okay? I'm always here for you. Let's make the remaining days memorable to us." hindi ko na mamalayan malapit na pala ang graduation. Malapit na kami mag bye bye sa isa't isa. :(

"Yep." tapos tumango s'ya.

Kinuha ko ang biscuit na binili ko tapos kinain ko. Ilang segundo kaming na tahimik.

"Ozawa, naisip ko lang.. do you like me?" muntik na akong mabilaukan sa tanong n'ya. Ang random naman!

"H-Huh? I mean.. Yeah? A-As a friend." pag sisinungaling ko. You know hindi naman talaga as a friend pero kasi natatakot ako mag confess.

"I see.." sabi n'ya. Natahimik uli kami ng ilang segundo, tapos bigla s'yang humarap saakin ng naka taas ang pinky finger n'ya. "Let's make a promise, to make this remaining days memorable. And be great friends forever." napatitig ako sa pinky n'ya for a while, tapos nag pinky promise na kami.

"I promise to be your great friend forever." sabi ko naman. Tapos napangiti kami sa isa't isa.

Is it right ba na huwag nalang ako mag confess sa kan'ya? Kasi he only sees me as a friend, and ayoko naman na may mabuong awkwardness saamin kapag nag confess ako.

Maybe it's the right choice.. maybe not.

Photograph | Itadori Yuji - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Where stories live. Discover now