2

1.2K 28 0
                                    

"Grabe muntik na kitang hindi makilala." masayang sabi ni Yuji. Nandito kami ngayon sa isang cafe malapit sa university. After namin mag kita sa school, inaya n'ya ako ng coffee kasi gusto n'ya daw ako makausap.

"Kamusta na, Ozawa?" tanong n'ya saakin.

"O-Okay lang ako. Ikaw?" medyo nahihiya ako sa kan'ya. Ang unexpected talaga ng pag kikita namin.

"Ayos lang din. Tagal na nating hindi nag kita, hindi ako nag bago noh?" ngumiti ako tapos tumango. Grabe kanina pa hindi kumakalma 'yung puso ko.

"A-Ano palang ginagawa mo sa university?" tanong ko. Ang dami naming pwedeng pagkitaan pero sa university pa talaga.

"Ahh nag transfer ako ng school. Nagkaproblema kasi sa university na pinasukan ko dati kaya napilitan ako lumipat. Pinakiusapan lang namin 'yung school na tanggapin ako kahit second sem na at gladly tinaggap naman nila. Hindi ko naman alam na dito karin pala nag aaral. Saka posibleng maging blockmate tayo, civil engineering ka den?" tanong n'ya at nagulat ako.

"Eh??? Civil engineering rin kinuha mo?" wow naman coincidence ba? kasi kung ganoon, magiging classmate uli kami!

"Oo. Woah, sana maging mag kaklase nga tayo!" masayang sabi n'ya.

"S-Sana nga!" sana nga lord please please sana blockmate kami ni Itadori!

"Alam mo nung una, gusto ko talaga mag marine. Kaso nung mag eenroll na ako bigla nag bago isip ko. Mas astig pakinggan pag civil engineering hehe." hindi talaga s'ya nag bago. Pero dati na kwento n'ya saakin gusto n'ya magtrabaho sa barko someday. "Pero ikaw, dati palang gusto mo na ang engineering noh?" tumango ako. Tanda pa pala n'ya..

"O-Oo. Gusto ko kasi sumubok ng kakaiba kasi lagi nalang ako nag s-stick sa isang bagay. Gusto ko naman ng bago." I mean, nung senior high ako ABM talaga ako, kami. So akala nung iba mag bi business course ako pero no hehe nag engineering ako.

"Tama. Alam mo, good thing narin na may kakilala ako sa bagong school na papasukan ko. Lagi tayong sabay kakain ng lunch ha?" hindi ko maitago ang kilig ko kung kaya't napatakip nalang ako sa mukha ko. "Ozawa, okay ka lang?" aaaaaahhhhh hindi ako okay!

***

Nung pa pauwi na ko, nabanggit ko sa kan'ya na malapit lang ang dorm ko sa university at walking distance lang. Kaya nag volunteer s'ya na ihatid ako ako pauwi aaaahhhhh.

"Ang galing gusto ko rin ng malapit na dorm." dinig kong sabi n'ya habang ang lalakad kami. Mula kasi dito ay tanaw na ang dorm building. "Ozawa, may bakante pa bang room sa dormitory na tinutuluyan mo?" nagulat ako sa tinanong n'ya.

"M-Meron pa naman siguro." sagot ko. Sana nga meron pa, pero malaki rin ang building kaya for sure may mangilan ngilan ring bakante. At syempre mostly mga college student na kagaya ko. "Bakit?" tanong ko.

"Hmmm. Paano kaya kung lumipat nalang ako dito? Sumasakay pa kasi ako ng bus pauwi sa bagong dorm ko." e-eh? lilipat s'ya sa tinutuluyan ko? Napatungo ako para itago ang nangangamatis kong mukha. Bakit ba ako minuminutong kinikilig kay Itadori? "Ozawa? May mali ba kanina kapa nag tatakip ng muka mo." tapos bahagya n'ya akong sinilip kaya napaiwas ako ng tingin.

"W-Wala. M-May dumi lang sa muka ko." palusot ko nalang.

"Hmmm. So ano nga, lipat nalang ako dito?" tanong n'ya uli. Paano ko naman sasagutin 'yan huhu.

"I-Ikaw, kung saan ang tingin mong mas convenient e-edi doon ka." pero kinda hoping na lumipat nga s'ya sa dorm ko hehe.

"Pag iisipan ko. Nga pala Ozawa, may alam kabang malapit na gym dito?" gym?

"Hindi ko lang sure, pero I think meron s'ya doon sa may tabi ng seven 7/11 malapit sa city hall." napatango tango naman si Itadori.

After a minute, nakarating na kami sa tapat ng building ng dorm ko.

"Nandito kana pala. See you around, Ozawa!" sabi n'ya sabay salute saakin. Tumango naman ako.

"S-See you, Itadori."

***

Nasa kwarto ako ngayon dahil nag gagawa ako ng bagong university account ko. Hindi ko na kasi mabuksan 'yung dati e kasi nag expired na. Need na daw ng bago so gumagawa ako ngayon gamit ang laptop ko.

After pala nito, mag advance study ako gusto ko kasi maging laude e habol na habol ko talaga 'yan kaya aral ako ng aral.

After ko mag gawa ng account, biglang may nag pop up na notification sa fb ko.

Itadori Yuji send you a friend request.

Hala nag add s'ya? Dali dali kong binuksan ang Facebook ko tapos tiningnan ko kung totoo nga at oo totoo nga.

Hindi ko muna in-accept kasi naisipan ko muna s'yang i-stalk. Hindi pala s'ya pala post ng picture, tapos wala rin s'yang shared posts kundi mga kanta. Lowkey s'ya sa Facebook.

Ewan ko pero napa smile ako. Kinikilig na naman sa bare minimum. Sorry guys ganito talaga ako pag dating kay Itadori.

Bigla tuloy akong ginanahan mag aral. Kung magiging kaklase ko man s'ya, maganda s'yang inspirasyon sa klase. Sana nga kaklase ko s'ya please po papa god.

Photograph | Itadori Yuji - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Where stories live. Discover now