10

486 13 0
                                    

Bakasyon na namin, kasi next week na ang graduation namin. Ang bilis ng panahon grabe, parang pumikit lang ako graduation na.

Nasa school ako today kasi pirmahan ng clearance, feel ko nga matatagalan ako ng slight kasi ang daming tao. Tapos ang hirap pa hanapin nung mga nag pipirma. Parang nagtatago sila ng sadya ewan ko ba.

Inabot yata ako ng 2 hours bago natapos mag papirma. Nagutom tuloy ako, makauwi na nga.

Palabas na ako ng gate ng makasalubong si Itadori.

"Uy, tapos kana?" tanong n'ya. Tumango ako.

"Ikaw?" tanong ko at tumango s'ya.

"Sakto. Gutom kana? Tara lunch tayo?" aya n'ya. Tumango ako kaagad, sakto nga gutom ako.

Tapos nag tungo kami sa parking, nagulat ako ng may nilapitan s'yang kotse.

"Wow, kotse mo?" tanong ko. Then umiling s'ya.

"Nope, sa Mom ko. Dumating s'ya kagabi kasi s'ya ang mag hahatid saakin sa stage. Tapos hiniram ko car n'ya hehe." sabi n'ya at napatango tango ako. "Tara." sabi n'ya. Tapos pinag buksan n'ya ako ng pinto sa may passenger seat. After ko makapasok isinara na n'ya tapos naupo na s'ya sa driver's seat.

Speaking of mag hahatid sa stage, Mom ko rin ang mag hahatid saakin siguro sa isang araw s'ya dadating.

"Saan mo gusto kumain?" tanong n'ya. Napaisip naman ako.

"Samg hehe." request ko. Tumango s'ya.

"Okay.."

***

Nag hanap kami ng samgyupan kasi parehas kaming hindi pamilyar sa lugar. Buti nakakita kami ng romantic baboy, doon nalang kami pumunta.

Pag pasok namin sa loob medyo madaming tao, pero may mga vacant naman. Sa may tabi kami ng glass puwesto. Pag dating saamin ng mga karne, nag ihaw na si Itadori. Nag volunteer s'ya e tapos libre daw n'ya itong lunch namin.

"Kailan pala ang final na alis mo?" tanong ko.

"Kinabukasan after ng graduation." nalungkot ako sa sinabi n'ya.

"Next week na agad.." tumango s'ya tapos napabuntong hininga.

"Wala ganon talaga. Sabi nga ni Mom mag umpisa na akong mag empake para after grad, aalis nalang." tuloy na tuloy na talaga s'ya. Mamimiss ko talaga s'ya ng sobra. "Ikaw anong plano mo After grad?" tanong n'ya.

"Mag aapply ako sa company ng tito ko sa Manila. Tapos doon narin ako titira." sabi ko. Napatango tango naman s'ya.

"Sayang talaga, hindi ko kasi mapilit si Mom. Gustong gusto ko talaga sa pinas kasi iba parin dito kaysa sa amerika."

"I agree. Mag kamustahan nalang siguro tayo sa text."

"For sure 'yan."

***

After namin kumain, nag pasama ako sa kan'ya sa mall pars bumili ng closed shoes na gagamitin sa graduation.

Malapit lapit lang ang mall sa kinainan namin kaya nakarating kami kaagad.

Habang nag lalakad kami para hanapin ang escalator, nakakita ako ng batang naiyak. Mukhang nawawala s'ya.

"Hala Itadori, lapitan natin 'yung bata kawawa naman." sabi ko. Tapos lumapit kami sa kan'ya, iyak s'ya ng iyak.

"Hello, baby what's wrong?" tanong ni Itadori. Habang ini-stroke n'ya 'yung likod nung bata para patahanin.

"I-I'm.. lost." humihikbi na s'ya sa sobrang iyak. Kawawa naman.

"Come here, hahanapin natin ang parents mo." sabi ni Itadori tapos kinarga n'ya 'yung bata. Siguro 4 years old lang 'yung bata.

"Bilhan kaya muna natin s'ya ng toy para tumahan?" suggestion ko. Nag hanap kaagad ako ng bilihan ng toy at sa gilid namin nakakila ako ng nag titinda ng balloons, kaya naman bumili ako ng isa tapos binigay ko sa bata. Humina ang hikbi n'ya pag bigay ko ng balloon.

"Don't cry na, let's go find your Mom." sabi ni Itadori tapos pinunasan n'ya ang luha nung bata gamit ang panyo n'ya.

Inilapit namin 'yung bata sa mga staff ng mall para pahanap 'yung guarding nung bata. Sabi nila sila na daw ang bahala sa bata, kaya umalis na kami. Nag babye muna 'yung bata saamin bago kami umalis. Buti naman hindi na s'ya naiyak.

"Malapit ka siguro sa mga bata ano?" tanong ko.

"Siguro?" natatawang sabi n'ya.

"Ako kasi hindi ako malapit sa mga bata. Or should I say, hindi sila malapit saakin. Ewan ko pero hindi ako magaling magpatahan ng bata." sabi ko. Madami dami naring bata ang sinungitan ako. T^T

"Eh? Ikaw nga nag patahan doon sa bata." sabi n'ya. Ay ako ba?

Nagtawanan lang kami tapos nag punta na kami sa SM store para bumili ng closed shoes. Ang gaganda ang hirap pumili.

After 15 minutes na surian ay nakapili na ako. May heels 'yung pinili ko pero kaunti lang 'yung taas. Matangkad na ako hindi ko na need tumagkad pa.

After no'n nag aya na ako umuwi, may aasikasuhin pa kasi ako at alam kong may gagawin din s'ya.

Nang makarating na kami sa dorm ko, nag babye ako sa kan'ya.

"Bye, Itadori. See you sa graduation!" sabi ko tapos nag thumbs up s'ya habang naka smile.

"See yah!" iyon lamang at bumaba na ako ng car tapos umalis na s'ya.

Sa Graduation na uli kami mag kikita. Last day ng pagkikita namin huhu.

Photograph | Itadori Yuji - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Where stories live. Discover now