6

532 12 0
                                    

Weeks after naging maayos na ang ankle ko. Si Itadori ang sumasama saakin sa hospital kapag kailangan ko pumunta, kasi sino ba naman ang kakilala ko dito sa lugar na ito kung hindi si Itadori lang. Super grateful talaga ako sa kan'ya at masasabing isa s'ya sa dahilan kung bakit napabilis ang pag galing ko..

Grabe s'ya mag care saakin, never ako naka experience ng ganito sa ibang tao maliban sa parents ko. He's the standard talaga I hope alam n'ya kung gaano s'ya ka green flag.

Today may reporting kami, kami uli ni Itadori ang pair. Buti nalang s'ya uli partner ko kasi komportable na ako sa kan'ya at hindi na ako masyadong nahihiyang kausapin s'ya. Kagabi natapos namin 'yung finals reporting namin. Nag practice pa nga kami kung paano kami mag sa salita sa harap at naging maayos naman. Sana maging maayos rin ngayon.

Binigyan kami ng time ni Prof para makapag handa. Since tabi tabi naman ang pair, hindi na kami lumipat or tumayo.

"Parang medyo kinakabahan ako, what if makalimutan ko mga sasabihin ko later?" sabi ko habang shineshake shake ang kamay ko. "What if magka panic attack ako habang nag rereport!?" kabadong sabi ko. Eto na nga ba ayaw ko e lagi kong inooverthink ang mga bagay bagay.

"Hindi 'yan. Mag inhale exhale ka ngayon para kumalma. Waleya wala pa kinakabahan kana e." sabi n'ya.

"Huy saluhin mo ako kapag nautal ako." nag thumbs up s'ya saakin.

"Ako bahala sa'yo." ngayon ko lang na realize sinabi ko. Parang double meaning 'yun for me. "Galing mo nga kagabi e, kaya mo 'yan Ozawa ikaw pa ba?" medyo na comfort ako sa sinabi n'ya. Oo nga kaya 'to! Saka kasama ko naman s'ya kaya non need to worry.

"Okay guys, times up. Bubunot na ako ng unang mag pepresent." parang bumalik lahat ng kaba ko sa sinabi ni Sir. Bakit bubunot pa po pwede naman po sunod sunod nalang huhu.

"Pakaba pa e." bulong ni Itadori. Diba yamot din s'ya sa pakula ni Prof?

"First pair.. Soriano and Villanueva." thank god hindi kami. Nakahinga ako ng maluwag nang mag banggit na ng pair ang prof namin tapos hindi kami.

"Grabe nanlamig kamay ko." sabi ko. Tapos nagulat ako ng hawakan ni Itadori ang kamay ko.

"Ang lamig nga. Painitin ko." tapos hinawakan n'ya ng dalawang kamay n'ya ang kamay ko tapos hinipan hipan n'ya.

Para akong sasabog sa kilig buti kinaya ng sistema ko pigilan. Tama na Itadori hulog na hulog na ako!

"O-Okay na." sabi ko. Tapos binitawan na n'ya kamay ko. Pa simple naman akong napahawak sa dibdib ko. Ano heart kaya pa?

After 5 minutes tapos nang mag present ang first pair. Tapos si Sir nag bubunot na naman. Napadasal tuloy ako.

"Itadori at Ozawa." bumuhos lahat ng kaba sa sistema ko nang banggitin ni Prof ang apelyido namin. Naunang tumayo si Itadori.

"Tara na." sabi n'ya saakin. Tapos tumayo narin ako. Kinabit ni Itadori ang laptop sa projector kasi nandoon ang ppt namin na pepresent. Nang ma set up na n'ya lahat ay nagpakilala muna kami sa harap. Mag katabi kaming dalawa sa harap. Dapat talaga tig isang side kami, pero sabi ko tabihan n'ya ako buti nalang pumayag s'ya.

After no'n inumpisahan na namin ang reporting. Si Itadori ang unang nag salita. Huhu ang galing galing n'ya kasi hindi s'ya kinakabahan, tuloy tuloy rin s'ya sa pagsasalita tapos hindi rin nauutal. Sana ganyan din ako mamaya.

After n'ya mag salita tumingin na s'ya saakin, it means ako na! I let out a deep breath bago ako mag salita.

"T-The medical sciences make substantial use of computer systems with artificial intelligence. Common uses include remote patient treatment, prescription transcription, increasing doctor-patient communication, medication discovery and development from beginning to end, and patient diagnosis." naging maayos ang first paragraph ng reporting ko. Tapos nung sasabihin ko na ang pangalawang paragraph bigla akong kinabahan.

"Modern.. M-Modern.." bigla akong na mental block dahil ngayon lang pumasok sa sistema ko na lahat ng mga kaklase ko ay nasa akin ang atensyon. Weakness ko ang maging center of attraction. Nag simula nang manginig ang kamay ko at feeling ko anytime magkaka panic attack ako.

"M-Modern—" natigil ako sa pagsasalita ng maramdaman kong hinawakan ni Itadori ang kamay ko ng palihim.

"Relax." bulong n'ya. Dahil sa ginawa n'ya, unti unting nawala ang nginig sa kamay ko. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Itadori. Kung hindi n'ya ito ginawa for sure sobra paring nanginginig ang kamay ko.

Pumikit ako saglit saka huminga ng malalim.

"Ms. Ozawa?" tanong saakin ni Prof. Nagtataka siguro s'ya kung bakit ako tumigil.

"Apologies, Sir. Let me continue." sabi ko tapos tumango si Sir.

"Go ahead." he said.

"As I said, Modern computer algorithms have lately achieved accuracy levels that are comparable to those of human experts in the field of medical sciences.." pinag patuloy ko ang pag re-report habang hawak ko ang kamay ni Itadori. Buti nalang may harang na table sa harap namin kasi kung hindi, pag chichismisan kami ng mga kaklase namun. Lalo na nina Jiro.

After 5 minutes, natapos narin kami mag present sa wakas. Pag upo namin napatakip ako ng muka ko.

"Nice, Ozawa." puri saakin ni Itadori.

"Anong nice doon? Muntik na tayong mawalan ng grade dahil na mental block ako." sabi ko habang iniisip ko ang kahihiyan ko kanina.

"Pero natuloy mo naman 'diba? Saka na overcome mo 'yung kaba mo kaya goods narin. Congrats saatin." sabi n'ya.

"Thank you sa'yo. And congrats saatin." sabi ko rin.

Tapos nag paalam muna ako kay Prof na mag c-cr ako. Nung pumayag ito lumabas na ako at dumiretso sa comfort room. Buti nalang walang tao.

Nag hilamos ako ng face ko at napatitig ako sa sarili ko sa salamin. Ilang sandali pa unti unting namuo ang ngiti sa labi ko. Napatakip ako ng face ko.

Hindi ko kinakaya ang kilig!

Photograph | Itadori Yuji - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Where stories live. Discover now