Chapter 27

6.6K 112 60
                                    

Change

"Babe..." I softly called him.

Marahan kong tinapik ang likod ni Damian dahil masyadong nakakangawit ang pwesto niya. Nagmulat naman siya ng mata at agad na napangiti nang makita niya ako.

"Mabuti naman nakauwi ka na," he murmured under his breath.

Pinagmasdan ko naman siyang mag-unat kaya binaba ko na lang muna ang bag ko. Nanatili pa rin siyang nakaupo kaya nilapitan ko na lang siya dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko sa laptop.

"Anong ginagawa mo sa laptop?" inosente kong tanong.

Umiling naman siya at hinila ako. Nanatili akong nakatayo habang nakayakap siya sa akin. He buried his face on my abdomen while hugging me tight.

"I missed you. Kamusta ang trabaho?"

Bumitaw naman siya sa pagkakayakap niya sa akin kaya umupo na lang ako sa kama. Ilang segundo lang lumipat siya sa tabi ko at humiga sa kama. Inangat niya ang dalawang braso niya at ginawa niya iyong unan.

"Ayos lang naman. Medyo pressured ako pero kaya ko naman," pinilit kong patatagin ang boses ko.

Umurong ako ng kaunti para matabihan ko siya sa kama. Dahan-dahan kong pinatong ang binti ko sa binti niya. I rested my face on his chest.

This is home.

"You can quit kung hindi mo na kaya," bulong niya habang marahan niyang hinahaplos ang buhok ko.

"Kaya ko naman. Natural lang naman na mahirapan ako sa umpisa."

I heard him sigh. "Bihira na lang kitang makita dito sa bahay. I missed you."

Ngayon ko lang narealize kung gaano ako naging dependent kay Damian. I don't know if it's a good thing pero pakiramdam ko sa kaniya na nakasalalay ang emosyon ko sa bawat araw.

Kanina lang pagod na pagod ako galing sa trabaho. Nanghihina ako dahil sa mga nangyari pero ngayong nakayakap ako kay Damian parang nawala na lahat ng alalahanin ko.

Home can be in a different form I guess. In my case, it's Damian.

"Can we stay like this?" I requested.

"Hindi ka ba muna kakain?" nag-aalala niyang tanong.

I shook my head. "I want to hug you while I sleep."

Tumingala ako sa kaniya at nakita ko ang mapungay niyang mata na nakatingin sa akin. Medyo naniningkit iyon pero ramdam ko ang bigat at intensidad ng tingin na ipinupukol niya sa akin.

Nagulat ako nang patakan niya ako ng halik sa labi ko.

"Get some rest. Ako nang bahala sa'yo," he said, smiling.

Mas lalo akong naging busy sa mga sumunod na buwan. Naging bihira na lang din ang pag-uusap namin ni Damian kahit nasa iisang bahay lang kami. Marami rin kasi siyang inaasikaso dahil graduating na siya.

Nahirapan na rin akong balansehin ang trabaho at ang pag-aaral dahil sa pagod at antok ko. Hindi ko rin naman pwedeng sukuan hangga't hindi pa nakakatapos si Damian.

"Medyo malaki pala yung bill this month," kwento ko kay Damian habang pinapakita ko sa kaniya yung bill na inabot sa amin kanina.

"Magdamag ko kasing ginagamit yung laptop, babe. Hayaan mo pagkatapos ng semester na ito bababa na rin yung kuryente," sagot ni Damian.

"Paubos na rin yung grocery natin. Mamili tayo sa day off ko, huh?" saad ko pa habang sinisipat ko ang fridge namin.

"Sakto babe. May mga kailangan akong bilhin na mechanical pen. Isasabay ko na rin kapag namili tayo."

Remembering His Rhythm (The Runaway Girls Series #2)Where stories live. Discover now