Chapter 12

7.1K 134 26
                                    

Somewhere

I took a deep breath as I felt my eyelids grow heavier while listening to the lecturer. It has been nearly an hour, but my mind is wandering. I can’t seem to maintain focus even if I try.

“Can someone tell me what’s the inverted pyramid structure again?” nagising ang lahat dahil sa biglaang tanong ng lecturer namin.

Humikab naman ako at siniko si Karen na halos makaidlip na rin dahil sa malumanay na boses ng lecturer namin. Lagpas isang oras na kasi siyang nagtuturo kaya alam kong halos lahat kami inaantok na rin.

I unconsciously raised my hand.

“Yes?” she called my attention.

Dahan-dahan naman akong tumayo kaya nakuha ko na ang pansin ng lahat ng mga estudyante dito.

“The inverted pyramid structure is a widely used writing style in journalism and news writing. It organizes information in descending order of importance, with the most critical details presented at the beginning of the article or news story. As the name suggests, the structure forms an inverted pyramid, with the broadest and most important information at the top and supporting details following below,” I smiled shyly after answering.

Her reaction indicates satisfaction with my answer. Umupo na lang ako dahil masyado ko nang nakuha ang pansin ng lahat.

“Very good. Nakikinig pa pala kayong lahat. Akala ko natutulog na kayo. Ang dami kasing nahikab kanina. Hawaan ba iyan?” she jokingly said which made everyone fake a laugh.

Tinuloy niya naman ang lecture niya kaya pumangalumbaba na lang ako sa arm chair ko habang nakikinig. Paulit-ulit lang din naman ang lesson pero kailangan pa rin makinig dahil baka may idagdag pa siyang tips na pwedeng makatulong.

Umurong naman si Karen sa tabi ko. “Pops, wala akong naiintindihan. May candy ka ba d’yan? Pampagising lang.”

Schedule na namin dahil second day na ngayon. Simula kahapon hindi na rin nagchat si Damian kaya hindi ko na rin siya muna kinausap. Maybe after this, I’ll try to talk to him.

“Monami lang. Pwede na ba iyan?” inabot ko naman sa kaniya yung candy.

Tumango siya. “Kahit ano basta may manguya lang ako para mawala antok ko. Shit babagsak na talaga mata ko!”

I am aware that I distanced myself from Damian and prevented him from pursuing what he wanted. However, what I learned from his friends troubled me. I have always regarded him as a responsible and disciplined individual, which is why I find it difficult to accept that he has been absent for consecutive days.  Marami pa ba akong hindi alam sa kaniya?

“You will start after watching this video,” the lecturer said.

Pinilig ko na lang ang ulo ko para manood sa projector. Mamaya ko na lang muna iisipin ang nangyayari kay Damian. I need to focus here para makasama ako sa Cagayan de Oro.

“Hirap ng topic puta. Five years ago na iyon, ha! Sino bang makakaalala pa ng balitang iyon?” reklamo ni Karen pagkalabas namin ng room.

I agree. Kahit ako rin nahirapan talaga sa topic. Mabuti na lang nga nabasa ko iyon kahit papaano pero hindi ko rin sure kung maipapanalo ko dahil hindi ko rin talaga inasahan ang topic.

“Bahala na. May next year pa naman,” sabi ko.

“Bakit next year pa? Gusto ko this year na ako manalo,” sagot pa niya.

“Hintayin na lang natin yung results bukas. Hindi rin ako sure sa gawa ko kaya hindi na rin ako naasa.”

Kumapit na lang siya sa braso ko habang naghahanap na naman ng pwede niyang maging crush. Natawa na lang ako habang nabulong siya sa akin kung pass or bet ba ang bawat nakakasalubong namin.

Remembering His Rhythm (The Runaway Girls Series #2)Where stories live. Discover now