Chapter 2

10.9K 230 47
                                    

Boyfriend

Trigger Warning: Domestic Violence

Nakagawian ko nang dumaan sa convenience store bago ako pumasok sa school. I also found out that he’s working from 8 pm to 5 am! Alam ko dahil one time sinubukan kong bumili ng softdrinks bago ako pumasok sa school pero ibang crew na ang nakita ko sa store.

Pinunasan ko muna ang tumatagaktak kong pawis bago ako pumasok sa store. I woke up around 4 am para mag-exercise. Naisipan ko rin na dumaan na lang muna dito bago bumalik sa unit ko para bumili ng makakain ko.

Yes, breakfast lang talaga ang habol ko dito.

However, I was taken aback when I spotted him outside the store, deeply lost in thought while puffing on his cigarette. Mukhang nagulat din naman siya sa presensya ko kaya dali-dali niyang inapakan yung paubos na niyang sigarilyo.

“You’re early...” I pointed out.

His eyebrow creased. “You are early as well.”

Nagkibit ako ng balikat at pumasok sa store. Naramdaman ko naman na sumunod din siya sa akin. May kasama rin siyang crew na pupungas-pungas pa nang makapasok ako.

“I came here to buy food. Kagagaling ko lang sa gym.”

“Wala ka bang stock ng pagkain sa inyo?” tanong niya.

I stopped for a second. Napansin ko kasing sinusundan niya ako habang tinitingnan ko yung mga pagkain na naka-display.

“Meron pero paubos na. Tinatamad pa ako mamili.”

“Kaya bababa ka na lang dito lagi para bumili?” he asked with a hint of amusement in his voice.

I crossed my arms. Nanatili namang seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Nagkibit na lang ako ng balikat at kumuha ng ramen sa rack.

“Why? Ayaw mo ba? Mabuti nga iyon e para may dagdag na kita itong store niyo.”

“No, it’s fine. I’m merely suggesting that going to the grocery store to buy some food might be a better option for you.”

“Ayos lang naman. Ako lang din naman ang kakain kaya kahit maubos yung stock ko ng pagkain wala ring magagalit.”

“You live alone?”

I let out a laugh. “Fortunately, yes!”

His eyebrows knitted. Tila may naisip na kung ano sa sinabi ko. Umiling na lang ako habang hinahanap yung favorite kong lychee juice.

“Okay na siguro ito? Balik na lang ulit ako dito kapag naubos na mga kakainin ko.”

Pinakita ko naman sa kaniya yung mga gusto kong bilhin. Tumango na lang siya at pumunta na sa counter. Sinipat ko naman yung isang crew na nakasandal sa pader habang papikit-pikit pa.

“Puro cup noodles. Gusto mo ba ng UTI?”

“Punch mo na lang. Hindi ko naman iyan kakainin lagi. Kapag tinamad lang naman ako magluto.”

Kanina pa kami nag-uusap pero hindi man lang niya alam kung anong pangalan ko. Gusto ko rin sanang sabihin kaso feeling ko magmumukha rin akong tanga kapag ginawa ko iyon. Hindi rin kaya ng pride ko na gumawa ng first move kaya bahala na.

Inabot ko naman sa kaniya yung bayad pagkatapos niyang ilagay sa paper bag yung mga pinamili ko. Sinulyapan ko rin yung wrist watch ko at nakita kong 5 am na. May pumasok na rin na babae sa store at naisip ko na baka iyon na yung kapalitan niya.

“Damian, pasensya na medyo late ako. May mga ginawa pa akong schoolwork kagabi!” nagmadali naman yung babae dahil sa tingin ko magpapalit na siya ng uniform.

Remembering His Rhythm (The Runaway Girls Series #2)Where stories live. Discover now