Chapter 33

7.5K 132 31
                                    

Paid

I woke up around 4 PM to prepare myself for the long night ahead. I still needed to clean the house and arrange my things, so I woke up 4 hours before my shift. Binuksan ko rin ang bintana at binuhay ko ang speaker para kahit papaano umingay naman ang bahay.

It was hard for me to adjust to this kind of lifestyle—being awake all night and sleeping during the day. Three years have passed, and it feels like I just blinked because I became used to it. Surely, it was tough in the beginning, but eventually, you’ll adapt to it.

Pwede naman akong humanap ng ibang trabaho kung sakali. Hindi ko rin naman talaga dapat pang tiisin ang pagtatrabaho ng gabi. Sinubukan ko rin naman ang ibang trabaho pero ibang klase rin talaga ang sahod sa BPO. Malaki ang incentives at marami ang benefits kaya binabalikan ko pa rin talaga.

“Dad, malapit na ma-turn over sa atin yung bahay sa Ilocos. Siguro ilang buwan na lang ang bibilangin natin,” sabi ko sa abo ni Dad na nilagay ko sa may sala.

I smiled while showing him the picture of the house. “Hindi naman malaki yung bahay Dad pero sakto na rin para sa ating dalawa.”

Sa mga nakalipas na taon, punong-puno ako ng pagdududa sa sarili ko dahil baka hindi ko kayanin nang mag-isa. Tatlong taon na ang lumipas pero masasabi kong kaya ko naman pala. Hindi ko naman pala talaga kailangan ng ibang tao pa sa buhay ko.

Nagulat na lang ako nang may marinig akong kumatok kasabay noon ang pagtawag ni Ate Lydia sa pangalan ko.

“Ate Lydia, anong meron?” tanong ko sa kaniya.

Hinila niya naman ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay nila. “Poppy, shot ka muna. Miss ka na namin kainuman!”

“Isang shot lang po. May pasok pa po ako mamaya, e.”

Naghiyawan naman sila nang tunggain ko ng diretso yung alak. Pinatikim din nila sa akin yung sisig na ginawa nilang pulutan.

“Maiba lang ako, Poppy. Ayos lang ba na kunin kitang ninang para sa apo ko?” tanong sa akin ni Kuya Teteng.

“Opo!” I happily nodded. “Kailan po ba ang binyag?”

“Sa susunod na linggo na. Magpapa-lechon nga kami dahil unang apo ko iyon!” humagikhik pa siya.

Ate Lydia laughed. “Basta ako sagot ko na yung videoke, ha. Wala nang tampuhan iyan Teteng!”

My heart warmed at the sight of them. I felt as if I had found a new family through their presence. They never made me feel like I didn’t belong here—instead, they welcomed me and considered me as someone they could rely on.

“Magbibigay na rin po ako ng isang bilao ng pancit palabok kaya huwag na kayo mag-abala magluto no’n kasi sagot ko na po,” dagdag ko pa kaya mas lalo silang naghiyawan.

“Nakakahiya naman. Sige na nga magbibigay na rin ako ng lumpia,” bumusangot si Ate Lydia.

“Pupunta nga rin dito yung pamangkin ko na wala pa ring asawa. Gusto ko ngang ireto dito kay Poppy!” tinungga naman ni Kuya Teteng yung alak sabay lingon sa akin.

I shook my head. “Huwag na po. Wala po akong balak mag-asawa.”

“Hindi ka na nadala, Teteng. Nireto ko nga iyan sa panganay ko pero tumanggi rin. Nakapangasawa na lang si Junjun pero wala pa ring boyfriend ito,” inakbayan pa ako ni Ate Lydia.

“Malay mo naman pagbigyan ito ni Poppy. Iba rin karisma ng lahi ko kaya baka nagustuhan niya!” bulalas pa niya.

I chuckled. “Hindi na po.”

Nag-ayos na rin ako ng sarili nang makauwi ako sa bahay. Sinalansan ko na rin yung mga pinamili ko at nag-order na lang ako ng pagkain sa food panda dahil tinatamad na rin akong magluto.

Remembering His Rhythm (The Runaway Girls Series #2)Where stories live. Discover now