Chapter 25

6.8K 122 36
                                    

Housemate

After staying up until 2 AM studying, I woke up feeling groggy. With finals just around the corner, it’s crucial for me to maintain my grades and ensure my spot on the dean’s list. I scratched my head when I realized that Damian is not here.

Kung sa mga unang taon ng relasyon namin sigurado akong nagwala na ako dahil sa kaba pero habang tumatagal nasanay na lang din ako na wala siya sa tabi ko. Maybe he’s out or maybe nasa sala lang siya at nagbabasa ng handouts niya.

Hindi ko na inabala ang sarili ko na ayusin kaya dumiretso na lang ako sa labas ng kwarto. Bumungad naman sa akin ang nakabusangot na mukha ni Damian habang hawak yung parcel ko.

“Dumating na yung parcel ko?” I asked him.

Nakita ko namang may binabasa siyang libro kaya tamad akong umupo sa sofa kaharap ng kaniya. Hindi niya pa rin ako pinapansin kaya binuksan ko na lang yung parcel ko.

“Putangina ang ganda. No joke yung review na nabasa ko sa comments,” sabi ko habang nilaladlad yung hoodie na binili ko online.

I raised my brow when I noticed that Damian is ignoring me. Anong problema ng isang ito?

“Anong oras first subject mo? Hindi ka pa ba natutulog?” tanong ko sa kaniya.

Sinulyapan niya naman ako bago niya ibaba yung binabasa niya.

“May bagong parcel ka na naman,” saad niya sa mababang boses.

I tilted my head. “Stop stating the obvious. May problema ba sa parcel ko?”

“Oo, may problema talaga. Pang-ilang parcel mo na iyan ngayong linggo!” inis niyang sinabi.

“Problema mo? Binabayaran ko naman. Hindi ko naman hinihingi yung pambayad sa’yo,” sagot ko pa.

Hinilot ko naman ang sentido ko dahil ilang oras lang din ang tulog ko. May klase pa ako mamayang alas-dose kaya kailangan ko nang gumayak.

4 years na kami ni Damian.

I’m already in my 3rd year and he’s in 4th year. Masasabi kong marami na ring nagbago sa amin pero nanatili pa rin kaming matatag. May mga ugali rin kami na nadiskubre sa isa’t isa habang tumatagal. Hindi rin naman kasi iyon maiiwasan lalo na ngayong nakatira lang kami sa iisang bahay.

“Hindi iyon ang punto. Ayos lang naman sana kung hindi limited ang budget mo. Nakalimutan mo na ba na kailangan mong magtipid? Babe, may isang taon ka pa sa college,” paalala naman niya.

“Bina-budget ko naman ng tama. Alam ko naman yung ginagawa ko,” mahinahon kong sagot.

“You’re burning your cash. Hindi ko na mabilang kung ilang parcel natatanggap natin tuwing linggo. Tinitingnan ko rin yung mga presyo. I’m not against it pero limitahan mo naman ang gastos,” ulit pa niya.

I took a deep breath. “I need retail therapy. Sobrang stress na ako sa program ko.”

Tumayo na muna ako para i-check kung anong pwedeng kainin. May natira pa palang ulam kagabi kaya iinitin ko na lang.

“Retail therapy is good kung may pera ka. Nagbabayad tayo ng renta, tubig, at kuryente. Hindi naman kita pinipigilan basta limitahan mo lang,” nilingon ko naman si Damian na mukhang nagpipigil ng inis sa akin.

“I’m sorry I can’t stop it. Fine limitahan ko na, but I can’t guarantee it. Stressed lang talaga ako kaya hindi ko na mapigilan ang sarili ko na umorder!” I fired back.

Siya naman ngayon ang humilot sa sentido niya. Ilang beses na naming napagtalunan ito pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Umabot pa sa punto na binenta ko na lang ang motor ko.

Remembering His Rhythm (The Runaway Girls Series #2)Where stories live. Discover now