Chapter 26

6.8K 128 39
                                    

Search

"Babe, may lakad ako mamaya," sabi ni Damian habang nagtitimpla siya ng kape.

Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya. Hindi pa nga nagsisimula yung araw pero maaga akong nagising para tapusin ang lahat ng mga kailangan kong ipasa. Inayos ko naman ang buhok ko na kumakalat sa mukha ko.

"Saan punta mo? Group project?" tanong ko.

Nilapag niya naman sa gilid ng laptop ko yung kapeng tinimpla niya. Pinagmasdan ko siyang umupo sa tabi ko para lang yakapin ako.

"Hmm... hindi," he murmured on my neck. "Tutoring session lang."

"Tutoring session? Para saan naman? Hindi ba uso sa'yo ang magpahinga?" sunod-sunod kong tanong.

"Pandagdag lang naman saka saglit lang naman iyon. 2 hours lang naman daw," sagot pa niya.

I took a deep breath. I I finally understood what Damian was trying to tell me last month. Hindi ko namalayan na kaunti na lang pala ang natira sa savings ko. Kung tutuusin baka hanggang second semester na lang iyon. Kung titipirin ko ng sobra ang sarili ko baka umabot iyon pero hindi lang naman iyon ang mga pangangailangan ko.

Ngayong wala na akong natatanggap na sustento galing kay Dad, wala na rin akong ibang maaasahan kung hindi ang sarili ko lang. Umabot ng tatlong taon ang lahat ng naipon ko. Ngayong paubos na iyon kailangan ko nang gumawa ng hakbang.

Maybe I'll try finding a job.

Malaki ang gastusin namin kada buwan. May babayaran pa kami sa renta, tubig, at kuryente. Hindi ko rin naman pwede iasa na lang ang lahat kay Damian dahil marami rin siyang gastusin sa pag-aaral niya. Minsan pa nagpapadala rin siya kina Tito Herman kaya kailangan ko na rin talagang kumilos dahil paubos na ang savings ko at wala na akong maibibigay.

"Huwag mo masyadong pagurin sarili mo. Graduating ka pa naman. Dapat nga mas focus ka sa pag-aaral ngayon," bulong ko sa kaniya.

"No, it's fine. Sayang din naman kasi. Pandagdag na rin iyon sa mga bayarin natin."

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Alam kong dadating din talaga kami sa punto na ito. Hindi naman kasi unlimited ang savings ko.

"I'm sorry..." mahina kong saad. "Sana nakinig na lang ako sa'yo. Hindi sana ako gipit ngayon kung sinunod ko mga sinabi mo."

"Don't blame yourself. Coping mechanism mo lang naman iyon. I know how stressful your program is so it's fine," he softly whispered before nuzzling on my neck.

"Still kasalanan ko pa rin. Kung hindi sana ako umorder nang umorder edi may maibibigay akong pandagdag ngayon," huminga ako nang malalim habang iniisip ko kung paano pa ni Damian papagurin ang sarili niya para lang mabayaran ang lahat ng gastusin namin.

He let out a low chuckle. "Masaya ka naman sa ginagawa mo kaya huwag mo na sisihin sarili mo. Madali lang naman kitain ang pera. Ako na lang muna ang bahala at huwag na huwag mo nang babawasan ang ipon mo, huh? Para iyan sa pag-aaral mo."

Madali? I doubt that. Sinasabi niya lang naman iyan para mapanatag ako.

Ngayon kargo pa niya ako dahil sa pagiging gastador ko. Imbes na magfocus na lang siya dahil graduating siya, iisipin pa niya ang mga gastusin ko. Hindi ko naman hahayaan na mangyari iyon. Ayaw ko nang ma-delay pa siya.

"As if papayag ako na kargo mo ako? Ayoko nga!" I hissed.

Umahon namaan siya sa pagkakayakap sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil nakita kong sumimangot siya.

"Anong sinasabi mong kargo kita? Bakit mo sinasabi iyan?" he asked angrily.

"Hindi ba? Dapat naka-focus ka ngayon sa pag-aaral mo hindi sa akin. Kaya buo na ang desisyon ko. Maghahanap ako ng trabaho at parehas tayong mag-aambag sa mga gastusin dito," pinal kong sinabi.

Remembering His Rhythm (The Runaway Girls Series #2)Where stories live. Discover now