Chapter 28

6.4K 112 30
                                    

Empty

Sinalubong ako ni Hunter sa napagkasunduan naming lugar. Kumunot ang noo ko nang makita ko kung gaano karami yung bodyguard na sumalubong sa akin. Nanatiling seryoso ang mukha ni Hunter habang naglalakad siya palapit sa akin.

I know it was reckless for me to make such decision. Alam kong dapat akong magduda pero may parte sa akin na naniniwala sa lahat ng sinabi sa akin ni Hunter.

“What’s with all the fuss? Ang dami namang bodyguard. Bigating tao ka ba?” I asked impatiently.

He let out a chuckle. “Mabigat na ba ang 70 kg?”

“Thank you for the wonderful answer,” I answered sarcastically.

Hunter surely matured after several years. Malaki rin ang pinagbago niya mula sa appearance hanggang sa aura na binibigay niya. Mas lalong naging mabigat iyon.

“Magtanong ka na lang habang nasa biyahe tayo. Mahuhuli tayo sa flight,” saad niya bago siya pumasok sa kotse niya.

Bumuntong hininga na lang ako at sumunod sa kaniya. Tinulungan ako ng mga bodyguard na ipasok sa kotse ni Hunter yung dala ko.

Napansin ko naman na may mga sasakyan pang nakasunod sa amin. Siguro convoy lang iyon dahil kaming dalawa lang ni Hunter ang nasa loob ng kotse.

“Kailan pa yung sakit niya? Bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin?” sunod-sunod kong tanong.

“It’s been a year since he was diagnosed with lung cancer,” humigpit ang pagkakahawak ni Hunter sa steering wheel. “He chose to keep it as a secret to prevent the people of Bacolod from being disturbed by the revelation that their Mayor is unwell.”

“But the people have the rights to know. How can he serve the people if he is sick?” tanong ko pa.

“Kaya nga tinutulungan namin siya ni Dad dahil hindi niya na kakayanin kung siya lang mag-isa besides tinakwil na rin naman siya ng nag-iisa niyang anak,” kalmado niyang saad.

Nanlaki naman ang mata ko. “You knew?!”

“Matagal ko nang alam na anak ka niya. I decided to play along.”

Bigla kong naalala ang nakita ko kaninang umaga. Magkakasama nga pala silang tatlo na para bang isa silang masayang pamilya. Tita is cheating as well.

“Ikaw lang ba ang nasa Manila? Nasaan si Tita Carmina?” I asked meaningfully.

“She’s here,” agaran niyang sagot. “He’s with my father. They have a party to attend on behalf of your father.”

Naningkit ang mata ko dahil sa narinig ko. Alam kong nagsisinungaling lang si Hunter dahil iba iyon sa nakita ko pero pinili ko na lang na itikom muna ang bibig ko. Malalaman ko na lang ang lahat kapag nakauwi na ako sa Bacolod.

Pinilig ko na lang ang ulo ko para ibalik ang tingin ko sa labas. “Malala na ba ang lagay ni Dad? Hinahanap ba talaga niya ako?”

“He can manage. Nakaka-attend pa naman siya sa mga social event. Matagal ka na niyang gusto makita pero hindi ka namin ma-contact,” sagot niya bago niya ako sulyapan.

“Saan mo naman nakuha ang number ko?”

Kinuha ko naman ang phone ko dahil sa usapan namin. May mga nakita akong iilang message galing kay Damian. Oo nga pala. We are not in good terms.

Biglang parang may kumirot sa puso ko dahil ngayon ko lang naalala na hindi nga pala kami okay ni Damian. Umalis ako nang hindi man lang namin napag-usapan ang lahat.

Damian Creston Santillano: Alam kong hindi tayo okay pero sana i-update mo pa rin ako kung nasaan ka na. Mag-usap tayo kapag nakarating ka na sa Bacolod.

Remembering His Rhythm (The Runaway Girls Series #2)Where stories live. Discover now