Chapter 31

7.1K 126 44
                                    

Alone

Trigger Warning: mentions of death, violence, and drugs

To my dearest Pyra,

I am sorry that I was too weak to protect you.

Maybe you’ll get mad at me for what I did. I understand that very well. Don’t cry for me. Get mad at me because I deserve it, and for once, I want to end this suffering. I am done being anyone’s puppet. I want to be free.

When I die, all of this will end. I’ll make sure that you’ll get to live the peaceful life you always wanted to have. Kahit iyon man lang ang magawa ko para sa’yo, anak. Pangako iyan.

Pasensya ka na kung inuna ko ang sarili ko sa mga nakalipas na panahon. Masyado lang akong naging bulag sa pagmamahal ko kaya halos luhuran ko na ang Tita Carmina mo huwag lang siyang mawala sa akin. Masyado akong natakot dahil sa pagkamatay ng mama mo kaya ginawa ko ang lahat huwag lang akong iwan ni Carmina dahil natatakot na akong maiwan ulit sa pangalawang pagkatataon.

Habang ginagawa ko iyon, alam kong napapalayo na rin ang loob mo sa akin. Akala ko kayang punan ng mga materyal na bagay ang pagmamahal ko para sa’yo pero hindi pala gano’n kadali iyon. Pinagsisihan ko ang lahat ng ginawa ko kaya naiintindihan ko kung bakit pinili mong magrebelde at sumama na lang kay Damian.

Sa apat na taon na wala ka saka ko lang nakita kung sino talaga ang taong nagpapahalaga sa akin. Habang busy ako sa paghahanap ng taong magmamahal sa akin, palayo ka naman nang palayo sa akin. Palihim ko ring tinitingnan kung ano na bang nangyayari sa buhay mo at masaya ako na unti-unti mo nang nakakamit ang pangarap mo kahit walang tulong ko.

Kulang siguro ang isang bond paper para sabihin ko sa’yo kung gaano ako nagsisi sa lahat ng ginawa ko sa’yo pero totoo nga talaga ang sinasabi nila. Nasa huli talaga ang pagsisisi at wala na akong magagawa doon. Mapalad na lang ako na kahit sa mga huling araw ko sinamahan mo pa rin ako.

Tuwing nakikita kita parang naaalala ko pa rin ang unang beses na nakita ko ang mama mo. Kasama ko ang lola mo para mamalengke tapos may maingay na babae na alok nang alok sa akin ng karneng baboy nila. Alam kong may pinagmanahan ka talaga dahil sa ilang beses kong pagdalaw sa palengke, napansin ko na hindi talaga niya kayang manahimik kapag alam niyang may mali. Ilang beses pa nga iyong muntik na mapaalis sa pwesto nila dahil masyadong talakera ang mama mo.

I’m so proud of the woman that you have become, Pyra. Wala ka talagang kinaiba sa mama mo. Gusto mo talagang manindigan sa kung ano ang tama kaya huwag mong pakinggan ang sinasabi nila Gustavo. Mas gusto kong makita ka na mag-ingay para sa mga walang boses.

I’m sure you’re going to be a great journalist. Tuparin mo na lang para sa akin ang pangarap ko para sa ating dalawa, ha? Bumili ka ng bahay sa Ilocos at iwan mo doon ang abo ko. Gusto ko na i-cremate lang ako para kahit papaano kasama mo pa rin ako hanggang sa Ilocos.

Live your life to the fullest Pyra so someday you will die with no regrets. Huwag kang gumaya sa akin na namuhay lang para amuhin ang mga tao. Maging totoo ka sa sarili mo palagi.

I love you so much, anak.

Sincerely,
Carlos Buencamino

I cried while hugging the lifeless body of my father. Nabasa na rin ng luha ko ang sulat na iniwan niya para sa akin. My poor father died while suffering and I cannot accept that things ended like this!

Remembering His Rhythm (The Runaway Girls Series #2)Where stories live. Discover now