Chapter 7

8.3K 177 59
                                    

Side

My phone beeped in the middle of discussion. Sabado ngayon at may training kami sa ibang school para sa press conference next month. Puspusan na rin kasi ang training dahil target nila na makasama kaming lahat sa Cagayan de Oro.

Nakapasa rin ako sa screening kaya mas lalo akong naging busy tuwing hapon. I rarely have time to meet Damian as well. Kung minsan naman nagkakausap pa rin kami sa chat pero nililimitahan ko lang din dahil hindi naman talaga totoo ang relationship namin.

Damian Creston Santillano: Anong oras ka matatapos ngayon?

Yumuko naman ako para magtipa ng reply sa kaniya.

Paulina Pyra Averilla: Hanggang 12 lang kami. Susunduin mo ba ako?

Nagulat naman ako dahil na-seen niya rin agad yung message ko.

Damian Creston Santillano: Sunduin kita. Malapit lang yung school na iyan sa tinitirhan ko.

Paulina Pyra Averilla: Sige lang. Wala na rin ako masyadong nailalagay sa myday ko kaya magpicture tayo ngayon hahahahahahaha

Damian Creston Santillano: I’ll remove my earrings today.

Kumunot naman ang noo ko.

Paulina Pyra Averilla: No, I like it that way.

Paulina Pyra Averilla: I mean hayaan mo na lang. Ayos lang naman.

Ngumuso naman ako nang makita ko na nagreact siya ng haha sa message ko.

Damian Creston Santillano: Sige madali naman akong kausap.

Hindi na ako nagreply sa chat ni Damian. Binalik ko na lang ang pansin ko sa lecturer namin dahil baka may ma-miss akong topic. Masyado pa naman itong strict. Harsh din siya kung magbigay ng comments dahil mukhang determinado talaga sila na talunin yung Region 4A ngayong taon.

“Puta kinikilig ka ba? Wala namang nakakatawa sa sinasabi ni Sir pero nakangiti ka,” bulong ni Karen sa akin.

Inismidan ko naman siya. “Masama bang ngumiti?”

“Gago, malamang! Masama kayang ngumiti ng walang dahilan.”

Tinikom ko naman ang bibig ko dahil hindi ko nga napansin na nakangiti ako. Pakiramdam ko tuloy ang bagal ng oras ngayon. Dalawang oras pa kasi ang hihintayin ko bago kami i-dismiss.

“Wala naman. Masaya lang yung araw ko,” sagot ko.

“Bakit naman masaya?” she probed.

May mga kasama kaming ibang estudyante ngayon na galing din ng ibang school. Napunta kami ni Karen sa news writing. English ako samantalang Filipino naman si Karen. Medyo naninibago pa nga ako dahil nasanay ako sa Bacolod. Mas maluwag kasi ang training sa amin noon pero dito halos pigain na nila kami.

Tuwing hapon lagi na lang silang may pinapagawa na articles sa amin. Lagi na rin tuloy akong nanonood ng balita dahil baka may ma-miss din akong mga importanteng balita. Mahirap pa naman kapag wala akong alam dahil wala rin talaga akong maisusulat kung wala akong idea sa topic.

Mas may advantage kasi kung marami kang alam sa mga current events pero hindi rin pwedeng i-set aside yung mga balita sa mga nakaraang taon.

“Masaya ako kasi gusto ko yung ginagawa ko. Alam mo naman kung gaano ko ka-gusto maging journalist diba?” seryoso kong sagot.

“Ang passionate mo naman masyado. Ayaw na lang aminin na si Damian ang dahilan!” pang-asar pa niya.

Siniko ko siya. “Ingay mo gago. Mamaya mo na nga ako kausapin. Baka sitahin tayo parehas kokonyatan talaga kita.”

Remembering His Rhythm (The Runaway Girls Series #2)Where stories live. Discover now