Chapter 4

9.7K 198 99
                                    

Couple

“Nakausap ko na pala si Ninang tungkol sa schedule mo. Weekdays lang ang pasok mo from 8 pm to 2 am. Ayos na ba iyan?”

Damian nodded. Kinuha ko naman sa kaniya yung lighter para sindihan yung sigarilyo ko. Isang oras pa kasi bago magsimula yung shift niya dito sa store kaya pinuntahan ko muna siya para kausapin.

“Maganda yung schedule. Mas mahaba pa yung tulog ko kaya mas maayos,” agaran niyang sagot.

It was my turn to look at him. “Anong oras ba pasok mo sa school?”

“10 am to 4 pm.”

That must be hard. Mas maikli pala yung tulog niya kung hindi ko siya binigyan ng bagong trabaho. 5 am ang end ng shift niya. May mga schoolwork pa siyang ginagawa pagkatapos ng shift niya. Ilang oras na lang ang tulog niya kung ganoon? Dalawang oras?

“Nakakatulog ka pa ba?”

Natawa naman siya. “Swerte na kapag inabot ng limang oras ang tulog ko.”

“That’s hard. Pabor pala sa’yo itong bagong work mo. Mas mahaba ang tulog mo kung sakali.”

“Uh huh. No choice ka talaga kapag mahirap ka lang.” Yumuko siya para kumuha ng panibagong stick. “Buti na lang dinamay mo ako sa kalokohan mo.”

“Anong kalokohan? I am just trapped in the situation. Hindi naman talaga kita dapat idadamay kung hindi ka lang nagmessage sa akin!”

He smirked. “E paano ka kung hindi pala ako nagmessage sa’yo? Kukulitin ka nila kung sino iyon. Sino na lang ang ihaharap mo?”

“Uso naman kasi yung fake na soft launch. Nakikita ko lang sa Tiktok!”

Natawa naman siya. Sounds weird pero magaan ang loob ko sa kaniya. Ever since the day I first met him. Pinahiram niya lang naman ako lighter pero pakiramdam ko magiging mabuti siyang kaibigan.

“Kailan start ng second semester niyo? Para alam ko kung kailan kita masusundo.”

I crossed my arms. “Sinong may sabing sa second semester pa? Sasamahan mo ako sa enrollment!”

“Ayos lang sa akin. Kailan ba iyan?”

“Next week pa naman,” I replied.

Nagsinungaling na rin naman ako edi mas mabuti pang itodo ko na. Wala namang mawawala sa akin dahil matatapos din naman ito after six months. I can have a boyfriend after a month or two. Damian can go on with his life and maybe date another woman.

“We should start texting each other,” seryoso niyang nasabi.

Bumaling naman ako sa kaniya. “Huh? Ayoko nga. For show lang naman ito ah? Mukha bang ipapabasa pa natin sa kanila yung messenger ko?”

“That’s not my point. I don’t like texting either,” he said. “What I mean is we should communicate and share important information. Mukha bang mahuhulaan ko kung anong oras ang labasan niyo?”

“Linawin mo kasi. Akala ko gusto mo akong kausap e. Bawal iyon!”

“Don’t worry. Hindi naman kita type,” sagot niya.

I chuckled. He’s so full of him! Akala niya ba gusto ko rin siya? Trapped lang ako sa sitwasyon na ito kaya no choice ako.

“Huwag kang mag-alala. Hindi rin kita gusto,” I said. “I don’t like men who smoke.”

“Pero ikaw pwede?” he fired back.

Umiling ako. “Kung ayaw niya edi titigil ako manigarilyo. Basta ayoko sa naninigarilyo.”

Remembering His Rhythm (The Runaway Girls Series #2)Where stories live. Discover now