ENTRY#6: Lalaban ka pa ba?

12 2 0
                                    

"Huwag nang ilaban ang taong minsan ka nang iniwan. Dahil masasaktan ka lang. Kung nararamdaman mong sa piling n'ya lang giginhawa ang mundo, kung nararamdaman mong sa kanya ka lang buo, hindi s'ya ang pag-ibig na para sa'yo."

May mga panahon na lalamunin ka ng pag-iisa, na wala kang ibang mararamdaman kundi pangungulila. May mga pagkakataon na hindi ka makakahinga, na mararamdaman mong hindi mo na kaya. Na kahit ipaliwanag mo sa iba, ay walang sapat na salita, na magpapaunawa sa kanila nang bigat at pagod na 'yong dinadala.

Ngunit nais kong tandaan mo na ang pagod ay hindi depinisyon ng pagiging mahina. Isa lamamng itong pagpapaalala na isa kang matapang na mandirigma, na kailangan ng oras para huminga, na kailangan ng panahon para makapaghanda, na labanan muli ang sariling gyera.

Kung nararamdaman mong siya lang ang totoong tahanan. Siya lang ang pahinga, siya lang ang hanging sariwa, siya ang nag-iisang depinisyon ng saya. Kung nararamdaman mong sa kanya lang nananahimik ang mga gabi. Siya lang ang tamang timpla ng kape, sa kanya lang napapawi ang lamig, sa kanya lang tumitila ang ulan, siya lang ang araw, sa kanya ka lang ligtas, at sa kanya ka lang payapa.

Kung nararamdaman mong sa piling niya lang giginhawa ang mundo, kung nararamdaman mong sa kanya ka lang buo, hindi siya ang pag-ibig na para sa'yo.

Unspoken RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon