Umasa. Naghintay. Nasaktan.
Umasa ako. Oo umasa parin ako dahil pinanghahawakan ko pa din ang lahat ng ating pangako, na ating pangako sa isa't isa. Hindi ko maimulat ang aking mga mata dahil sa kakaiyak. Araw at gabi, ikaw lagi ang iniisip ko. Hindi ko maimulat ng aking mga mata dahil hindi ako makapaniwala na wala na talaga yung salitang "TAYO".
Ikaw at ako? Hindi mo ba naalala noong tayo pa? Noong tayo pa na sobrang saya? Isang araw, nalaman ko na may bago kana. Oo, may bago kana. Ang sakit sa pakiramdam. Ang bilis ng panahon, na para bang kahapon lang tayo pa tapos ngayon wala na. Dahil may bago kana. Ang hirap isipin. Ayokong maniwala. Lagi kong sinasabi sa aking sarili na "Paniginip lang to. Isang nakakatakot na panaginip" ngunit sadyang ang pait ng ating kapalaran. Ang hirap umasa sa mga motibong pinapakita mo. Gusto kitang ipagdamot kaso naalala ko, wala akong karapatan. At dahil doon, wala na akong papel sa buhay mo. Anim na letra. Isang salita. PAALAM.
Mga mambabasa, ako'y nagsasalita sainyong harapan, ako ay isang nabiktima ng mga motibong pinapakita ng taong mahal ko na alam ko na hanggang kaibigan nalang kami. Kaya para sa taong mahal ko, wag kang magaalala. Hangad ko ang kasiyahan mo. Hanggang sa muli. Mahal ko, paalam.
BINABASA MO ANG
Unspoken Rules
Poetry❝Hayaan n'yo ang mga salita ang magbigay diin sa damdamin ng mga akda ko.❞