Paano kung 'yong taong mahal mo sumuko sa laban nyo? Paano kung 'yong mahal mo may mahal ng ibang tao? At hindi na ikaw ang gusto? Paano kung pinaglaban mo pero hindi ka pinili ng taong mahal mo? At paano mo ipaglalaban ang taong hindi mona makaka tuluyan? Susugal ka pa ba? Ipaglalaban mo paba? Susubok ka pa ba?
Nag simula ang lahat ng makita kita. Sa pagitan ng araw at buwan, nasa sulok at luhaan. Sinubukan kang lapitan para tulungan sa problemang pasan at ika'y nag simulang mag kwento sa iyong nakaraan. Sakit na iyong naranasan ay aking naramdaman, dahil sinubukan mong lumaban sa taong walang pakialam sa iyong nararamdaman.
Ganyan na ba pag nagmahal? May taong masasaktan? May taong luluha nalang? 'Diba pwedeng masaktan nalang? Pero ikaw din ang papawi sa pusong sugatan?
Batas ng pagmamahalan, dapat may masaktan. Tulad ng larong tagu-taguan. May isang taong laging taya, may isang taong laging nagpaparaya, may isang taong laging lumuluha. At laging may isang taong lumalaban. Kahit ang totoo, siya lang ang nagmamahal.
Dalawang klase lang ang pagmamahal. Tamang pagmamahalan ngunit nasa maling panahon, at tamang panahon ngunit maling pagmamahalan. Minsan na akong nag mahal, at minsan narin akong nasaktan, at minsan ko narin siyang pinaglaban ngunit ang nakuha ko lang ay pusong sugatan.
Dahil alam ko sa sarili ko, na hindi lahat ng sugatan tama ang pinaglalaban, at hindi lahat ng pinaglaban ay kanilang nakatuluyan. Dahil ang iyong pinaglaban, ay hindi mo makaka tuluyan.
Imulat ang mata sa katotohanan! Tayo'y wag ng mag bulagbulagan. Sa pag-ibig na walang kabuluhan. Imulat na ang isipan, bitawan na ang pagmamahal, dahil ang ipaglaban pa siya ay isa nalang kabobohan. Huwag mo ng ipaglaban ang taong minsan ka ng binitawan. Wag mo ng ipaglaban ang taong binalewala ka lang. Dahil sa bandang huli luluha ka lang. Dahil ang ipag laban pa siya ay parang isang tula nalang. Tula na walang pamagat dahil ang salitang "TAYO" walang tadhanang nakasulat.
Huwag ng subukan, wag ng ipilit ang nararamdaman! Dahil ang mag mahal na tanging ikaw lang ang lumalaban ay parang suntok nalang sa buwan. Malayong matanaw at malayong makamtam. Huwag tayong mag madali, dahil darating din ang para sa atin. Huwag nating ipilit ang bawat naisin, dahil kung kailan pinipilit ang pagmamahal saka tayo nasasaktan. At pag tayo'y nasaktan lahat ay damay na naman, at sasabihin na lahat ay manloloko lang. Pero ang totoo tanga ka lang!
Naging tanga sa pag ibig sa kanyang pagmamahal. Kaya ang salitang 'laban' binibigay sa taong kaya ka ding ipaglaban. At hindi sa taong sasaktan at paluluhain kalang.
Collaboration with: Ronnel Diego
BINABASA MO ANG
Unspoken Rules
Poesia❝Hayaan n'yo ang mga salita ang magbigay diin sa damdamin ng mga akda ko.❞