ENTRY #2: Panghabang Buhay

117 38 0
                                    

Nagumpisa sa laro, napunta sa pagseseryoso na kahit wala namang tayo, nabigyan ng pagkakataon, na magkaroon ng "Ikaw at Ako" upang mabuo ang salitang "tayo." -from Entry #1 Laro Lang Pala

Isa kang sinag, na nagbigay liwanag. Sa isang relasyon kinakapitan ko ngunit pagkabigo rin ang dulo nito. Sa bawat oras, minuto at segundo na ang hatid mo ay saya. Hindi ko alam na ako ay nahuhulog na ngunit...

"Pasensya na, kasi mas pinili kong kalimutan ka dahil sa mismong pagkakataon na minahal kita ay may mahal akong iba."

Nangingibabaw ang...
Lungkot
Sakit at
Kaba. Sa panahong gusto kong ipagtabuyan at kalimutan ka.

Mahirap sa akin na minahal kita, dahil alam mo mismong may mahal akong iba. Kaso naging tanga ako. Kasi iyong taong mahal ko. Hindi ko alam na lolokohin at paiiyakin lang ako. Mas naging tanga ako kasi mas pinili kong kalimutan iyong taong hindi ko akalain na mapapasaya ako at mamahalin ako ng todo.

Pero OO,
Nakakabobo.
Nakakawasak.
Nakakamatay.

Yung tipong lolokohin ka ng taong mahal mo, na akala mo panghabang buhay na kayo. Pero salamat saiyo, dahil dumating ka sa buhay ko. Salamat sa mga buwan, linggo at araw na napapasaya mo ako. Salamat sa mga oras, minuto at segundo na minahal mo'ko ng todo. Salamat kasi dumating ka, na nagparamdam sa akin na "panghabang buhay" ay tayo ng dalawa.

Hindi ko na sasayangin. Ang pagkakataon na ito upang maiparamdam sayo, na ikaw na ang "panghabang buhay" ko.

Panghabang buhay na;
Mamahalin at
Pasasayahin.
Kaya ito lang ang aking sasabihin,


"Mahal kita at gusto ko panghabang buhay ay tayo na talaga."

Unspoken RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon