ENTRY#5: Mananatili ka ba o Mamaalam?

14 3 0
                                    

"Hindi pwede isa lang ang lumalaban sa relasyong pasira na. Sapagkat kahit ang paro-paro sa kalangitan ay kailangan ng dalawang pakpak para umusad."

Ang pag-ibig raw ay kusang dumarating, hindi yung uri na pagdating na kakatok sa iyong pinto at tatawag ang iyong pangalan. Darating ito ng hindi mo inaasahan, maaraing habang hinihintay mong tumila ang ulan, o hindi kaya habang kinakausap mo ang buwan. Ang pag-ibig ay mahiwaga ngunit masakit. Katulad ng kusa nitong pagdating, hindi mo rin magpatatanto ang biglaan nitong pamamaalam.

Tanong nila, kung kailan ko napagtantong oras na para bumitaw. Ang totoo, hindi ako sigurado. Marahil noong hindi ko na siya natagpuan sa gitna ng kalungkutan, marahil noong hindi ko na naramdaman ang mga bisig niya sa dulo ng nakakapagod na araw. Marahil noong sa tuwing binibigkas niya ang "mahal kita" ay mayroon ng pagdududa.

Marahil noong hinayaan niya ako na mag-isang lumaban ng relasyon naming dalawa. Marahil noong hinayaan niyang kwestyunin ko ang halaga ko sa kaniya. Noong hinayaan niya akong timbangin ko ang pagmamahal na sinasabi niya. At hindi nila ako masisisi, kung nagising na ako sa mga pantasya ng mabulaklak niyang salita. Hindi nila ako masisisi kung bumitaw ako, dahil kahit naman manatili ako ay mararamdaman ko parin ang pag-iisa. Pero hindi na ako nangamba, sapagkat namamaalam lamang ang pag-ibig kapag hinayaan mo lang nagiisa. Kailangan nating tandaan, na sa pagibig hindi lang puro saya. Sapagkat kakambal nito ang lungkot at pangungulila; ang sakit at ang pait, ang pagod at pagkaubos.Kaya kapag dumating sayo ang malungkot na bahagi ng pag-ibig, maiiwan sayo ang dalawang pagpipiliian — Mananatili ka ba o mamaalam?

Unspoken RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon