ENTRY #1: Laro Lang Pala

141 38 0
                                    

"Sa pagpasok sa isang seryosong relasyon, huwag sumugal sa walang kasiguraduhan. Dahil hindi mo malalaman totoong mahal ka o papaikutin ka lang."

Kung ang pag-ibig ay parang isang masayang laro, maaari kang makatagpo ng isang taong mahilig makipaglaro. Kung mahuhulog ka sa lahat ng kanilang kaakit-akit na mga salita na kanilang sinsambit, paglalaruan nila ang iyong puso. Sa bawat salita na kanyang sinasambit, lalo kang mapapakapit. Maniniwala na ikaw ay kanyang pinapasaya. Ngunit ang paniniwalang napapasaya ka nila ay hindi tunay na kaligayahan. Kahit na hindi mo alam, mababago nila ang iyong damdamin. Maaaring may pag-asa at pagmamahal ka, pero sa huli, masasaktan ka. Ganito ba talaga ang tadhana? Palagi na lang susugal ng walang kasiguraduhan.

Nagmahal. Nasaktan. Nagpatawad. Paulit-ulit na proseso, na kahit wala namang tayo. Nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng ikaw at ako upang mabuo ang salitang "tayo". Ikaw at ako. Isang larong pag-iibigan na napunta sa seryosohan. Ako lang ba? Ako lang ba ang nasasaktan sa salitang "pangako?"Pangako niya na ikaw lang at ako. Na may namumuong sa salitang "tayo". Tayo, na walang ibang pumapasok sa pag-iibigan nating dalawa. Ngunit ang tadhana ay sadyang mapaglaro.

Madaya si tadhana, sinungaling ang kapalaran. Dapat noon pa mayroon hindi na tinitigan ang mga palad at naniwala sa lohika ng mga linyang nakaukit dito. Sana, hindi na lang naniwala na nasa ating mga kamay ang magiging kuwento. Hindi na sana umasa kung may pag-asa o kung may aasahan pa.
Madaya maglaro si tadhana, mahirap sumugal at tumaya. Bakit ako lagi ang natataya?Paano ba manalo sa isang laro na ako mismo ang laruan? Paano manalo sa laba na wala na ang ipinaglalaban? Mga tauhang pinagtagpo para maghiwalay. Dalawang uri ng kasukdulan na matatagpuan hindi sa gitna kundi sa simula at dulo. Tipikal na estorya ng kontrabidang mundo.Kapag maayos na ang lahat, saka gugulo. Kung kailan nagdesisyon nang sumugal para sumaya,Saka ako siningil at ikaw ang pusta. Nakipaglaro sa panahon, naghabol at nakipagpatintero—Mahirap pala habulin ang oras na tumatakbo papalayo sa'yo. Bakit mo sinabing hawak natin sa'ting mga kamay ang ating kinabukasan, kung sarili mong bukas ay hindi mo pinanghawakan? Bakit 'di mo sinabing napagod na ang kapalaran sa mga palad mo? Para saan at dalawa ang kamay ko? Sa pagnanais kong mas may malaman, nalaman kong wala pala akong alam. Sa paghahanap ko ng sagot, mas lalong dumami ang mga tanong. Bakit?


Sinungaling ang kapalaran, madaya si tadhana. Sa susunod na sugal, hindi na ako tataya.


Unspoken RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon