Warning Mature Scenes and Content ahead. ⚠️🔞
* * *
Anastasha Rain Trinidad
Madilim ang kalangitan ng makalabas kami kaya sa tingin ko ay gabi na. Nag lakad kami papalapit sa may sasakyan at binuksan nung mataba ang pintuan ng kotse para pasakayin kami.
"Ay teka! Nakalimutan ko yung wallet ko sa loob. Napaka tanga ko naman jusko." Turan ni Marie bago pa man ako makasay.
Bumaling siya sa akin. "Hoy babae, kuhanin mo nga yung wallet ko sa loob. Nakapatong lang yun dun sa mga make up kit ko dun. Bilisan mo ha. Tatadyakan kita kapag nag tagal ka." Kunyare niyang utos sa akin.
Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at pinisil ito ng marahan bago ako tumango tango sa kaniya.
"Patay ka kay Marie kaya bilisan mo ha. Mag iintay kami dito." Saad nung mataba at sumakay na din ng kotse niyang sira sira naman.
Agad akong tumalikod sa kanila at nag lakad kunyare pabalik. Dahan dahan akong lumingon at nakitang busy yung mataba dahil dinadaldal iyon ni Marie kaya agad na akong tumakbo palayo sa lugar na iyon.
Hindi ko alam kung saan ako papunta or saang lugar ito basta tumakbo ako ng tumakbo.
May nakita akong isang high way kaya agad akong tumakbo doon para tumawid ng may malakas na busina akong narinig.
Napalingon ako sa kotse na muntik ng makabangga sa akin.
Bumaba yung driver at lumapit sa akin. "Ayos ka lang ba Miss? Pasensya na ha. Hindi kasi kita nakita."
Isa itong lalaki pero hindi ko maaninag ang mukha niya. May malambing siyang boses.
"Shit. Mukhang nashocked ka sa nangyari halika, pumasok ka sa kotse at dadalhin kita sa hospital." Turan nito at inalalayan ako papasok ng kotse niya.
He seems kind and trusted din naman kaya hindi na ako umangal. Tsaka kailangan ko din makalayo sa lugar na ito. Once madala niya ako sa hospital ay doon ako mag sisimulang mag isip kung saan ako pupunta at anong gagawin ko.
Nung nakapasok kami sa kotse niya ay inayos niya ang seatbelt ko bago ako ngitian.
"Saan ka ba galing Miss at mukhang nag mamadali ka?" Tanong sa akin nung lalaki bago pinaandar yung sasakyan niya.
"Ahm...just, somewhere." Mahina kong sagot. Tumango tango naman siya sa akin bago ako bahagyang sinulyapan at nginitian.
"Pwede mong tanggalin yang nakaharang sa mukha mo. Medyo mainit dito eh, baka pag pawisan ka." Turan nito.
I smile at him before shaking my head. "Okay lang."
"Hmm, okay. Can I turn up the aircon nalang para hindi ka mainitan?" He asked.
"You don't have to. I'm really fi--"
"No...I insist." Putol niya sa akin bago pinindot yung volume ng aircon niya. Isinagad niya iyon sa pinakadulo at gulat akong napatingin dito ng may usok na lumabas muli dito.
"What the f...uck?" Nauubo ubo kong saad at tinakpan ang bibig at ilong ko but it's too late. Nakalanghap na ako ng chemical na dala ng usok at nag sisimula ng bumigat ang aking mga mata.
I heard a phone ring and the man beside me answered the call. "I found her. Yes, she's here with me."
Lumingon siya sa akin at nginisihan ako. "She is here with me."
BINABASA MO ANG
Can you keep a secret?
Mystery / ThrillerRATED R18! NOT SUITABLE FOR MINORS! READ AT YOUR OWN RISK! ****** "Seeing the pain in your eyes caused by them makes me want to kill them...and so I did."