CYKAS? - XXXIII

4.2K 139 7
                                    

Warning Mature Scenes and Content ahead. ⚠️🔞

* * *

Euryale Baize Valliente

Kanina pang nangangalay ang panga ko sa kakangiti dahil ang tagal matapos ni Miranda na kumuha ng litrato naming tatlo.

"Oh isa pa. Naka wacky naman!" She said and posed in front of the camera again.

I sighed and forced a smile while posing. The camera flashes and before Miranda can take another picture again I spoke. "Let's go. Baka malate na tayo."

"Last pictur--"

"Yale is right, Miranda. Baka mahirapan tayong mag hanap ng parking spot at mas matagalan tayong umuwi mamaya." Putol ni Tasha sa kaibigan. Napagod na din ata siyang mag picture ng mag picture kaya kinukumbinsi na niya ang kaibigan niyang umalis.

"Fine. Basta pag dating dun picture, picture ulit ha!" She said and groaned before taking her camera and putting it inside her pouch.

Kita ko ang pag irap ni Tasha sa kaibigan niya. "Sure, Mira."

"Okay, good. Tara na. Baka malate na tayo. Balita ko ang dami pa naman doon na mga bebe boys." Pag mamadali na si Miranda at hinila kami ni Tasha palabas ng pintuan.

Napailing iling nalang ako at sumunod sa kanila pasakay sa sasakyan ko. Kotse ko kasi ang gamit dahil baka malasing sila mamaya at hindi makapag drive.

I know it's a school party pero hindi ako maniniwala na walang gagawing kalokohan ang mga batang ito. For sure ay mag pupuslit sila ng alak or something. I did that when I was still in college.

Hindi kalayuan sa school ang bahay ni Miranda kaya madali lang kaming nakadating doon.

Rinig na namin agad ang malakas na tugtog at parang nag hihiyawan mula sa loob.

"Oh fuck." I heard Tasha curse when I parked the car.

"Why? What's wrong?" Tanong ko sa kaniya.

"Rain hates loud musics and alcohol. Tanging tanduay ice lang ang kaya niyang inumin." Saad ni Miranda bago tumawa at bumaba ng sasakyan.

"I know that," I muttered under my breath and rolled my eyes as I opened the car door to get out.

Umikot ako sa may side ni Tasha at pinagbuksan siya ng pintuan.

"Wow. Sana all gentlewoman," I heard someone said. Kita kong nakatayo si Fienna sa tabi ng may kotse namin ng may ngiti sa kaniyang mga labi. "Is this still part of your wifey duties?"

"Hmm... something like that." Sagot ko at bahagya siyang ngitian pabalik.

"Miss Fienna kung pinakasalan niyo din ako hindi sana kayo nag sasana all diyan." Miranda said and wink at Fienna.

Tumawa naman si Fienna sa sinabi ni Miranda at umiling iling. "No need for that. My boyfriend can do that for me."

"I guess it's my turn to say sana all." Miranda said and forced a smile. "Parang gusto ko nalang atang umuwi at mag walwal mag isa." Dagdag niya bago kami tinalikuran at nag lakad palayo.

"Did I say something wrong?" Fienna asked while looking at Miranda's walking figure.

"Not intentionally," Tasha responds before smiling at Fienna and clinging to my arms. "Una na po kami sa loob."

Pumasok kaming dalawa ni Tasha at nag hanap ng bakanteng upuan para umupo.

"Gaano ka katagal magiging chaperone?" Tanong nito sa akin.

Can you keep a secret?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon