Warning Mature Scenes and Content ahead. ⚠️
* * *
Euryale Baize Valliente
Red and blue lights flashed in front of me as I hugged Ellise, comforting her for the traumatic experience that she just witnessed.
"Can you please tell me again kung nasaan kayo nung sumabog yung kotse." The police asked me a hundred of times today.
"I was here outside. Kakatapos ko lang mag paalam kay Ellise na uuwi na ako." Pag uulit ko ng sagot ko sa tanong nilang paulit ullit lang din.
"Is this true Miss Robles?" Tanong naman nito kay Ellise.
"Yes po officer. Kakaalis lang po ni Miss Valliente nun tapos maya maya po ay may sumabog na. Nag tatakbo po ako agad papunta sa kung saan iyon at nakitang sa parking lot po. Yung kotse po ni Miss Valliente tsaka yung isa po na hindi ko po alam kung sinong may ari."
"So...kung naka alis na si Miss Valliente bakit andito pa siya?"
"Tsk. I'm not deaf para hindi madinig yung pag sabog and I came back to see kung ayos lang ba si Ellise." Sagot ko at nakipag sukatan ng tingin dun sa lalaking officer na parang pinaghihinalaan ako.
Stupids.
Ni hindi pa nga nila nakikita ang mismong krimen na ginawa ko eh. Masyado silang naka focus sa sumabog na kotse at hindi nakita ang iniwan kong surpresa sa gym.
"Mabuti nga po at nakabalik agad si Miss Valliente eh. Takot na takot pa naman po ako." Ellise said as she look at me with fears in her eyes.
If I'm not mistaken, Ellise is just nineteen years old. I understand why she's scared.
"Meron ba kayong idea kung bakit biglang sumabog yung kotse?"
"Hmm...I think I may have something to do with that. Nasira kasi yung kotse ko and I tried to fix it but I don't know how. I was a very hard headed person kaya kahit sinabi sa akin nung mag aayos na huwag kong galawin at bukas nila titingnan ay hindi ako nakinig. The gas ended up spilling everywhere kahit pati sa akin. That's when I gave up at nag pasya na talagang umuwi. Yun yung time na nag usap na kami ni Ellise at nag paalam na ako sa kaniya." Pag papaliwanag ko at pinalungkot ang mukha. "I'm sorry. Maybe it's my fault kung bakit sumabog."
Kita kong lumambot ang ekspresyon nung pulis na parang nanghihinala sa akin kanina. I look up at him with my angelic eyes. My eyes tears up and I quickly look away.
"Hey...shh. It was not your fault Miss. Hindi naman yun sasabog ng ganun kung natapon lang yung gas eh. Unless may iniwan kang mainit na bagay. Posporo or lighter?" He said while caressing my shoulder.
I shook my head. "I don't have any matches or lighters with me. I don't smoke."
"How about you Miss Robles?" Umiling iling naman ito sa kaniya.
"Wala po Sir. Yun po ang ipinagbabawal talaga ni Mister Bonifacio ang mag sigarilyo po dito." Sagot ni Ellise sa kaniya.
"Hmm...then maybe someone smokes or lighted something in the parking lot." Nakakunot ang noo nitong saad.
"Well, there's two more car besides mine before I left so...maybe may tao pang iba sa loob ng school bukod sa amin ni Ellise?" Kunyaring nag tataka kong tanong.
Lumingon yung pulis sa kasama niya. "We'll search tomorrow sa cctv kung meron bang ibang tao dito bukod sa inyo. For sure kasi na naka alis na iyon pag katapos nung pag sabog."
BINABASA MO ANG
Can you keep a secret?
Mystery / ThrillerRATED R18! NOT SUITABLE FOR MINORS! READ AT YOUR OWN RISK! ****** "Seeing the pain in your eyes caused by them makes me want to kill them...and so I did."