PRINCESS SOPHIA 'SOPHIE' LAVIÑA***A/N: Photo not mine. For reference only.***
Ako si Princess Sophia Laviña. Twenty years old. Tawagin nyo na lang akong 'Sophie'. BS Marketing Management ang course ko. Nag-aaral ako sa isang university na karamihan sa mga estudyante ay mayayaman o may kaya sa buhay.
Pumasok akong Student Assistant dito sa school namin para magkaroon ako ng scholarship. Dalawang taon akong nag S.A. at kasabay noon ang pagdodorm ko sa Manila.
[3RD YEAR 1ST SEMESTER]
(Nakatingin si Tita Liza sa'kin habang nakataas ang isang kilay.)
LIZA: Dear, ganyan ka na lang talaga?
(Nakita niya kase na sobrang simple lang ng get up ko.)
SOPHIE: Opo. Tita. Ganito lang po talaga ako kapag naalis.
LIZA: Isuot mo yung hikaw ko.
SOPHIE: 'Wag na po. Hindi po kasi ako sanay maghikaw eh.
LIZA: Meron akong nakatagong estelleto dyan, sayo na lang. You can wear it now.
SOPHIE: Naku, tita, tatangtangkad ako lalo. Atsaka, ayokong pahirapan ang sarili ko. Salamat na lang po.
LIZA: Meron akong blouse dyan na fit at skirt, you can use it.
SOPHIE: Okay na po sakin itong suot kong T-shirt at jeans kaya salamat na lang po.
LIZA: Meron akong make-up dyan, ibibigay ko na sayo ngayon para may magamit ka.
SOPHIE: 'Wag na po. Sa totoo lang po kase, hindi po ako marunong mag make-up.
LIZA: Halika rito, ipi-fish tail ko yang buhok mo.
SOPHIE: 'Wag na po. Okey na naman po kahit nakalugay e.
LIZA: How about shoulder bag? My extra ako sa cabinet. You can have it na.
SOPHIE: Naku, thank you na lang po. Hindi po ako sanay magdala ng ganun. Body bag na po ang dinadala ko simula pa non.
LIZA: SIGE, GANYAN KA NA NGA LANG. UMALIS NA TAYO, NOW NA!
(Luh, nagtampo yata si Tita. Paano ba naman, lahat na lang tinanggihan ko. Sorry, Tita. Sanay na po akong ganito... na simple lang...)
♥♥♥
(Nga pala, last month lang nang nagsimula akong mapatira sa bahay ni Tita Liza. Siya ang mayaman kong tita na pinsan ng nanay ko at nakatira sila ng pamilya niya sa 'Greenville Subdivision' isang exclusive na subdivision dito sa Manila.
Nalaman ni tita yung sitwasyon ko kaya pinatira na lang niya ako sa bahay nila para 'di na ako magdorm. Pinatigil na rin niya ako sa pagiging Student Assistant kase siya na daw ang magbabayad ng tuition fee ko pati iyong iba pang gastusin. Meaning to say, simula ngayong 3rd year college, regular student na ako. May mga napadagdag lang na ibang subjects kase hindi ko sila nakuha noong S.A ako. Makakasabay na rin ako kina Cyrus at Cyroan, kambal kong pinsan, na doon din nag-aaral at BS HRM [Bachelor of Science in Hospitality and Restauran Management] naman ang course.)
BINABASA MO ANG
DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)
Teen FictionSophie is just an average girl with simple life. Until one day, she finds herself caught in a complex love triangle between two popular guys at her university. She must choose which man has genuinely captured her heart after experiencing both love a...