Chapter 39 Hate Versus Love

1.1K 28 38
                                    

[FEW HOURS AGO]

[-TRAVIS' POINT OF VIEW-]

[10:10 PM]

[Kasalukuyang nakaupo si Travis sa passenger seat sa likuran habang si Johnny naman ang nagda-drive ng kotse. Katulad noong isang gabi, malayo na naman ang tingin ni Travis at tila may malalim na namang iniiisip.

...

Habang nasa gitna sila ng biyahe, naisipan ni Travis na tawagan si Sophie.]

_____________________________________

[VOICE CALL] [SOPHIE'S MESSENGER]

SOPHIE: Hello.

TRAVIS: *[smiles] Kamusta, Mahal ko?

SOPHIE: *[smiles] Okay lang naman. As usual.

TRAVIS: Anong ginagawa mo ngayon?

SOPHIE: Nagrereview lang. Hihi

TRAVIS: Ahh okay. Naistorbo ba kita?

SOPHIE: Hindi naman. Okay lang. Bat ka nga pala napatawag?

TRAVIS: Chini-ckeck ko lang kase kung natutulog ka na.

SOPHIE: Ahh haha.

TRAVIS: Sige, ibaba ko na to. Later na lang ulit tayo mag-usap.

SOPHIE: *[smiles] Okay..

TRAVIS: *[smiles] Bye.

SOPHIE: *[smiles] Okay. Bye.

[ENDCALL]

_____________________________________

[Pagkatapos ng tawag, agad kinausap ni Johnny si Travis.]

JOHNNY: Sir, bakit bigla nyo naman pong naisipan ngayon na pumunta kina Ms. Sophie?

TRAVIS: Wala lang. Parang bigla ko lang kase siyang na-miss agad.

[Naramdaman ni Johnny na may halong lungkot yung boses ni Travis.]

JOHNNY: Okay lang po ba kayo, sir?

[Hindi agad nakasagot si Travis at malungkot na napapatingin lang sa picture ni Sophie na wallpaper ng cellphone niya. Napangiti na lang siya kahit malungkot siya.]

TRAVIS: Oo naman. Mukha bang hinde?

JOHNNY: Simula po kase noong manggaling tayo sa party, madalas ko na po kayong nakikitang ganyan na parang malayo ang iniisip kaya medyo naninibago lang po ako sa inyo. May... problema po ba, sir?

TRAVIS: Wala.... Wala naman.... Okay lang ako...

JOHNNY: Sige po. Nag-aalala lang po kase ako sa inyo.

TRAVIS: Salamat sa pag-aalala. Pero wala to. Meron lang talaga akong... iniisip.

JOHNNY: Sige po.

[Pagkatapos nun, hindi na nagtanong pa si Johnny at nagpatuloy na lang sa pagda-drive.]

...

[GREENVILLE HEIGHTS SUBDIVISION]

[Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating at nakapasok na sila sa gate ng subdivision nila Sophie. Habang tinatahak nila ang daan papunta sa street nila Sophie, ibinaling na niya ulit ang atensyon niya sa pamamagitan ng pagtingin sa harapan.

Nang sumalubong sa kanila ang isang sasakyan, natapatan ng ilaw ng sasakyan nila ang sasakyang ito. At doon na nga niya napansin si Claire na kasalukuyang nagda-drive ng sasakyang iyon at si Sophie na kasabi nito.]

DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon