Chapter 15 My Comfort Zone

6.2K 119 72
                                    

(Wala pang ilang minuto, napansin ko na lang na bumukas yung pinto ng kwarto ko. Medyo nahihiya pa akong kausapin sila kaya nagtulug-tulugan na lang ulit ako. So yun pinikit ko agad yung mata ko.

May pumasok sa kwarto ko. Sa pagkakaaninag ng mata ko, mukhang hindi na niya binuksan yung ilaw sa kisame kase madilim pa rin. Pero dahil tahimik dito sa kwarto, rinig ko yung marahang hakbang ng mga paa niya. Hanggang sa naramdaman ko na lang na parang umupo siya sa tabi ng kama ko.

Maya-maya, unti-unti ko nang naramdaman na hinahaplos haplos niya yung buhok ko. Pero sa pagkakataong ito, mas marahan kumpara sa kanina. Pero katulad ng kanina, naramdaman ko ring inayos niya yung kumot ko. At pagkatapos nun, naramdaman ko na lang na parang may dumampi sa noo ko. Yung feeling na para niya akong hinalikan sa noo.

Gusto ko sanang dumilat para malaman kung sino yun kaya lang nailang ako kaya di ko na itinuloy.

Pagkatapos nun, naramdaman ko na lang na parang unti-unti na siyang paalis hanggang sa marinig ko na lang na sumara na yung pinto.

Minulat ko ulit yung mga mata ko.

Halaaa. Sino yun? Si Travis kaya ulit yun?? Hmmm.)

...

(Nung medyo okay na ako, bumangon na ako. Halaaa, natagusan ko naaaaa yung bedsheet. Sheteee. Napilitan na tuloy akong tumayo para kunin yung napkin na binili nung dalawa.

Pagtingin ko sa brown bag, whahahah, andami namang napkin to. Sampung balot na with wings. Isang balot may lamang 8 na piraso. Napatingin naman ako sa resibo. Isang balot 90 php times 10. 900php lahat. Hmm. Dami ko namang supply. Haha

Parang alam ko na tuloy kung bat natatawa kanina yung kambal.

Hindi magkasundo yung dalawa pero napilitang magsama dahil lang sa pagbili ng gamot at napkin. Nakakatuwa naman.

❤️❤️❤

[-SHAYNE'S POINT OF VIEW-]

[MCNULTY RESIDENCE]

[10:30 PM]

(I just got home. I sat on the couch to rest. Until I thought of taking a shower before going to bed. While I was in the shower room, I remembered what happened yesterday.)

_________________________________________

[FLASHBACK NO.1]

[LUNCHBREAK]

(While Sophie was tying her hair, I was about to invite her to eat lunch with me when our professor suddenly spoke to me.

While my professor was talking to me, I noticed the arrival of Travis. It seems that he is looking for someone in our classroom. Until I noticed that he was looking at Sophie.)

PROFESSOR: Ipakita ko na lang sayo later yung sample ng balance sheet.

SHAYNE: Yes, sir.

(Then my professor left. I heard their conversation.)

"Umm Travis. Sinong hinahanap mo?" (Tanong sa kanya ng mga kaklase ko.)

"Si Sophie." (Seryosong sagot naman niya.)

(Because of that, I looked at Sophie. I noticed her clothes were upside down. I didn't want to embarrass her so I immediately took off my jacket and thought of putting it on her.)

"Hala, yung damit ni Sophie, baligtad."

"Ayy oo nga. Haha".

"Magsusuot lang ng damit baligtad pa. Ahaha"

DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon