Chapter 4 Sleepover

9.9K 185 9
                                    

So yun, nasa harapan ko ngayon si Travis. Hayy nako, nakakainis talaga si Shayne. Iwanan ba naman ako dito. Ba't kase sinabe pa niya kay Travis na hinahanap ko siya. Kaloka. Di ko tuloy alam ang sasabihin ko ngayon kay Travis.

SOPHIE: A- ano..

(Kinakabahan ako. Ano kayang magandang palusot?)

TRAVIS: You're Sophie, right? Cyrus' cousin?

(Katulad pa rin ng dati, pokerface pa rin siya.)

SOPHIE: Ah, O-oo ako nga. Uhmm, hinahanap kita kase...

TRAVIS: Yeah. I know.

(Lalo akong kinabahan sa sinabi niya. HALA, alam na ba nya?)

SOPHIE: Alam mo kung bat... hinahanap kita?

TRAVIS: Cyrus told me na ibigay ko na lang daw sayo tong libro niya.

(Wew. Medyo nawala yung kaba ko. Buti na lang may ibang naging excuse. Inabot niya sa akin yung libro na hawak niya. Kinuha ko naman.)

TRAVIS: Nakalimutan ko kasing ibalik yan sa kanya kanina so sayo ko na lang daw iabot.

SOPHIE: Ahhhh. Ahaha, oo nga. Oo, hinahanap nga kita dahil dyan sa libro niya .. Oo, tama. Yun nga.

TRAVIS: Pakibigay na lang. Thanks.

(Then umalis na siya. OMG!!! Nakaligtas ako.)

...

[MIRANO RESIDENCE]

Matutulog na sana ako kaya lang di ko talaga matiis yung inis ko kay Shayne kaya minessage ko siya.

___________________________________________

[CHAT BOX] [SOPHIE'S MESSENGER]

ME:
Nakakaasar ka. Bat mo kase siya tinawag kanina? 😡

(Nakita ko na naseen na niya. Tapos, nagreply siya.)

SHAYNE:
Hinahanap mo siya, right?) 😁

ME:
Oo nga.. pero kase... ahh basta buti na lang nakalusot ako. 😭😣

SHAYNE:
Really? So what happened?

ME:
Buti na lang sinabihan siya ni Cyrus na ibigay sa akin yung libro niya. So ang alam niya, hinahanap ko siya dahil dun.

[Shayne reacted to your message.] 😮

SHAYNE:
That's fine. At least you talked to him. 😆

ME:
🙄

SHAYNE:
Smile 😁

_________________________________________

Doon na natapos convo namin nung gabing yun. Kung sabagay, tama naman siya.

♥♥♥

[LAWSON UNIVERSITY]

Habang nasa library ako, nakakita ako ng isang pure American na babae na nasa panglimang table at dito siya nakaharap. Ang ganda niya pero medyo exposed siyang manamit. Pero okay lang naman, bagay naman sa kanya e. Siguro kung ganyan lang sana ako kaganda, sigurado ako na to the highest level rin yung lakas ng loob ko.

Mga ilang sandali ang nakalipas, napansin ko si Shayne na naglalakad sa 'di kalayuan. Aba, naligaw yata siya dito sa library. Hayun, nilapitan niya si American girl at umupo siya sa tabi nito. Kung mag-usap sila, sobrang close nila sa isa't isa.

DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon