[FIFTEEN DAYS LATER AFTER SHAYNE'S DEPARTURE]
[-TRAVIS' POINT OF VIEW-]
[Habang nagbibiyahe sina Travis at Johnny sa daan, malungkot lang na nakatanaw si Travis sa bintana ng kotse. Sa kanyang pagtanaw, nakita niya ang isang magandang tanawin na mas lalong pinaganda ng paglubog ng araw. Dahil dito, naisipan muna niyang patigilin ang kotse pansamantala upang pagmasdan ang ganda nito.
Bumaba sila ng kotse at tinanaw na ni Travis ang magandang tanawin. Samantala, natakayo lang si Johnny roon at malungkot lang din tinitignan si Travis na para bang nararamdaman nitong mayroon itong pinagdadaanan.)
TRAVIS: Sobrang ganda, di ba?? [Sabi niya habang nakatingin sa tanawin.]
JOHNNY: Yes po sir. Maganda po. Pero mas maganda sana sir kung isinama nyo rin po si Ms. Sophie rito para sana nakita rin niya.
(Medyo naging malungkot ulit si Travis.)
TRAVIS: Hindi ko alam kung... maa-appreciate pa ba niya ito pag nakita niya... Baka kase... hindi na rin.
JOHNNY: Bakit naman po?
TRAVIS: Simula nang malaman ni Sophie na itinago ko sa kanya yung totoo, unti-unti ko nang nararamdaman na mas lumalayo na siya sakin.
JOHNNY: ...
TRAVIS: Magkasama nga kami pero tahimik lang siya. Pati yung mga dating ngiti niya, hindi ko na yun nakikita simula nang umalis si Shayne.
JOHNNY: ...
TRAVIS: Oo, wala na rito si Shayne pero hindi ko pa ring magawang magsaya sa tuwing nakikita ko si Sophie na natulala na lang sa hangin at malungkot.
JOHNNY: ...
TRAVIS: Masakit pero parang unti-unti ko na ring natatanggap na si Shayne pa rin talaga ang nasa puso't isipan niya hanggang ngayon. Kaya ito na siguro ang panahon para... hayaan ko na silang magkasamang muli.
[Malungkot namang napapatingin si Johnny kay Travis. Maya-maya, inilabas niya yung cellphone niya at tinawagan si Shayne.]
________________________________________
[PHONE CALL] [TRAVIS' PHONE]
TRAVIS: Oy, Shayne.
SHAYNE: What?
TRAVIS: May sasabihin ako sayo ngayon at isang beses ko lang to sasabihin sayo kaya makinig kang mabuti.
SHAYNE: I'm listening.
[Hindi agad nakapagsalita si Travis.]
TRAVIS: Gusto ko lang malaman mo na... hindi kayo tunay na magkapatid ni Sophie, okay?
[Nagulat si Shayne.]
SHAYNE: W-what are you saying? Wait, is that true?
TRAVIS: Mukha ba akong magsisinungaling sayo??
SHAYNE: No. But... it's kinda hard to believe.
TRAVIS: Kung ayaw mong naniwala, bahala ka na. Basta sinabi ko na sayo kung anong totoo.
[Di pa rin makapaniwala si Shayne.]
TRAVIS: At kung di ka pa rin babalik dito, wala na akong dahilan para bigyan ka pa ng second chance.
SHAYNE: Are you sure about this?
[Hindi agad nakasagot si Travis.]
TRAVIS: Oo naman. Di naman ako tatawag sayo ngayon kung di pa ako sigurado, di ba??
BINABASA MO ANG
DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)
أدب المراهقينSophie is just an average girl with simple life. Until one day, she finds herself caught in a complex love triangle between two popular guys at her university. She must choose which man has genuinely captured her heart after experiencing both love a...