(Nakita kong unti-unti na siyang naglalakad papunta sa lugar na kinatatayuan ko. Napatigil lang siya sa paglalakad nung tignan niya yung cellphone niya. Mukhang may tumawag sa kanya. Medyo dumami na rin yung mga taong naglalakad sa paligid kaya nagdecide na rin akong umuwi na.)
....
[MIRANO RESIDENCE]
[7:30 p.m.](Habang inaayos ko yung mga magulong gamit ko sa study table, napansin ko naman yung picture namin ni mama na nakalagay sa picture frame.
Maganda sana kung kasama rin namin si papa dito sa picture. Makompleto pa kaya kami? Wala lang. Iba siguro ang feeling na kompleto ang pamilya.)
....
(Maya-maya, narinig ko na lang yung boses ni Tita sa labas.)
LIZA: Sophie... pwede bang pumasok?
SOPHIE: Opo.
LIZA: Pabukas naman ng pinto.
SOPHIE: Sige po, wait lang po.
(Tumayo na ako tapos binuksan ko yun pinto ng kwarto. Pagpasok ni Tita, nakita kong may dala siyang isang kahon. )
SOPHIE: Ano po yang dala nyo?
(Nilapag niya yung kahon sa ibabaw ng kama at isa-isa ko namang inusisa yung laman... may sapatos na mataas ang takong, may mga damit, may mga make-up at may shoulder bag. At lahat mukhang mamahalin.)
LIZA: Ito yung mga binibigay ko sa'yo nung isang araw na tinanggihan mo lahat.
SOPHIE: 'Di naman po sa tinatanggihan ko kaya lang po kase hindi naman po ako bagay magsuot ng mga ganyan.
LIZA: Bakit? Na-try mo na ba?
(Napaisip din ako.)
SOPHIE: Hehe, hin... di pa po..
LIZA: Then you try it para malaman natin kung talaga nga bang hindi bagay.
(Napapangiti na lang ako sa kanya.)
LIZA: Bakit nginingitian mo lang ako?
SOPHIE: Wala lang po. Ngayon na po ba, Tita?
LIZA: Hay, nako. Basta iwanan ko na lang ito dito. At sana dumating yung isang araw na makita kong may ginamit ka sa mga iyan.
SOPHIE: Opo, Tita.
LIZA: Alam mo kase, maganda ka naman ihh.. But I think na mas may maigaganda ka pa pag nag ayos ka.
SOPHIE: Talaga po?
LIZA: Ba't parang di ka maniwala?
SOPHIE: Wala naman pong nakakapansin sakin ihh. Wala pong nanliligaw. Kaya kung totoo yung sinasabi nyo pong maganda ako, e di sana may nanligaw na po sakin noon pa.
LIZA: Ano ka ba? Maganda ka. At isa pa, darating din yan. Malay mo, nakilala mo na pala siya dati. O kaya naman, matagal na palang merong may gusto sayo, nahihiya lang na kausapin ka.
SOPHIE: Tita, napaka imposible naman po nyan. Sa t.v. lang po nangyayari yang mga ganyan.
LIZA: Alam mo, bilog ang mundo. Kaya maraming pwedeng mangyari. Minsan nga, kung sino pa yung taong kinaiinisan mo, siya na pala yung taong mamahalin mo nang tunay.
SOPHIE: Talaga po? Bakit po na experience nyo na po ba?
LIZA: Syempre, based on my own experience. Hindi ko naman gusto yung Tito mo dati, pero tingnan mo naman. Kami pa rin ang nagkatuluyan sa huli. Minsan kase, meron kang isang pakiramdam para sa tao na yun na sa huli mo na lang mare-realiazed.
BINABASA MO ANG
DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)
Novela JuvenilSophie is just an average girl with simple life. Until one day, she finds herself caught in a complex love triangle between two popular guys at her university. She must choose which man has genuinely captured her heart after experiencing both love a...