Chapter 40 Your Voice

1K 26 57
                                    

[-SOPHIE'S POINT OF VIEW-]

[LAWSON UNIVERSITY]

[LUNCHBREAK]

[Pagkatapos kumain ni Sophie sa canteen, nag-decide muna siyang magpalipas ng oras sa may field at magpahangin. Nakita naman siya ni Hayley kaya nilapitan siya nito.]

HAYLEY: Hey...

SOPHIE: Ikaw pala...

[Naupo si Hayley sa tabi ni Sophie at nang titigan niya ito, napansin niya na namamaga yung mga mata nito.]

HAYLEY: I see. You cried so much. Dahil ba sa mga nangyari these past few days?

[Tumango naman si Sophie habang nakatanaw sa malayo.]

SOPHIE: Oo kasama na yun. Atsaka, ngayon kase... nalulungkot lang ako sa sarili ko kase wala na akong ibang magawa kundi ang sumunod na lang sa mga gusto ni Travis.

HAYLEY: Alam mo, gurl, Hindi mo naman kailangang gawin yun.

SOPHIE: Hayley, di ko rin naman gusto itong ginagawa ko. Pero, wala akong choice, kung nakita mo lang kung paano niya bugbugin si Shayne noong isang araw. Alam mo ba? Parang... parang madudurog na noon yung puso ko. Kaya natatakot na ulit akong mangyari ulit yun.

HAYLEY: Naiintindihan naman kita. Pero paninindigan mo talaga to, paano ka naman? Paano yung totoong feelings mo?

SOPHIE: ...

HAYLEY: Sophie, parang niloloko mo na lang din kase yung sarili mo. Not only yourself, but also him.

SOPHIE: Kaya kong... magsakripisyo basta wag lang niyang... saktan ulit si Shayne..

[Napabuntong-hininga na lang si Hayley.]

HAYLEY: Sophie... tingin mo ba pag nalaman ni Shayne yan, matutuwa siya?

SOPHIE: Kaya nga, please... wag mo na lang bangitin sa kanya para hindi na niya malaman... Sigurado kase na pag nalaman niya, magkakaroon ulit ng gulo.

...

HAYLEY: Hindi sa nakikielam ako, Sophie. Pero, kung di mo naman mahal si Travis at di ka na talaga masaya sa relationship nyo, parang mas okay pa na makipag-break ka na lang sa kanya.

SOPHIE: ...

(May point si Hayley, pero kung sakaling makikipaghiwalay nga ako kay Travis? Ano na naman kaya ang mangyayare kung ganun?? Mas bubuti kaya o mas lalala pa ang sitwasyon??)

SOPHIE: Pero pag ginawa ko yun, iisipin niyang nakipagbreak ako sa kanya dahil kay Shayne. Baka lalo niyang pag-initan si Shayne pag nagkataon.

HAYLEY: *[sigh] This is too complicated. Well, I can't blame him. Nakita niya kase kayo that you two kissing each other despite of the fact that you're related to each other.

SOPHIE: Aware naman ako na nagkamali kami ni Shayne kaya nga ako na mismo ang nagconfirm sa kanya na hindi ko na yun gagawin.

HAYLEY: ...

SOPHIE: Ayoko nang magkaroon ng problema kaya hangga't maaari rin talaga, ayoko na ring magpadala sa emosyon ko. Kaya lang may mga times talaga na nagseselos pa rin siya kay Shayne.

HAYLEY: Hmmm. For me, he's acting strange.

SOPHIE: Bakit?

HAYLEY: Yeah, normal lang naman talaga na magalit siya but yung takutin ka pa rin niya, parang iba na yon.

SOPHIE: Hm?

HAYLEY: Come to think of it. Travis already knows na half-brother mo si Shayne, right?

SOPHIE: Oo.

DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon