Chapter 19 About Last Night

5.7K 114 70
                                    

[-SOPHIE'S POINT OF VIEW-]

[MIRANO RESIDENCE]

CYRUS: Ganun siya, Insan. Mahirap ma-predict yung takbo ng utak niya pag galit siya kaya nga hanggat maaari lagi namin siyang inaaawat kapag nag-iinit na yung ulo niya lalo na kay Shayne.

(Shocks. Lalo naman akong natakot sa mga sinabi nung kambal. Tapos, nag-usap na naman yung kambal.)

[CONVERSATION AT THE BACKGROUND]

CYROAN: Uy, bro. Hindi ba masyadong exaggerated yung pagkakakwento mo kay Insan?

CYRUS: Ano ka ba, bro? Ganung kalupet si Travis. Parang di mo naman siya kilala.

(Halaa, paano kaya yun??? Syempre, di ko na mababawi kung ano na yung nasabe ko sa kanya. Ano kayang gagawin ko?

...

Maya-maya, bigla nang dumating si Travis. Luhh, halatang galit pa rin siya. Nagsasalubong pa rin kase yung kilay niya tapos antalas pa rin ng tingin niya.

Naupo na siya sa sala at isang direksyon lang talaga yung tinitigan nila. Bumulong naman sa akin yung kambal.)

CYRUS: Insan, parang hinihintay ka na niya.

CYROAN: Pagkatapos mong kumain dyan, maligo ka na agad. Alam mo naman yun, ayaw na ayaw na pinaghihintay siya.

SOPHIE: Oo sige. Bibilisan ko na.

(Kaya yun, binilisan kong kumain ng almusal. Pagkatapos kong kumain, umakyat na agad ako sa taas.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako agad. As in madaling madali na ako. Pagkababa ko, yung kambal nakaalis na. Si Travis, nakaupo pa rin siya doon sa couch.)

SOPHIE: Uhmm, s-sorry, Travis, kung natagalan ako sa pagbibihis.

TRAVIS: Okay lang. Di ka naman matagal. (Sabi niya sa akin pero yung salita niya, may diin pa rin at hindi siya natingin sa akin.)

...

(Lumabas na kami at sumakay na ng kotse niya. Habang nagbibyahe kami papuntang school, hindi siya nagsasalita at seryoso lang sa pagda drive. Nakakatakot talaga yung mga tingin niya.

Nag-aalala na ako sa pwedeng mangyari kaya chinat ko na si Shayne.)

_________________________________________

[CHAT BOX] [SOPHIE'S MESSENGER]

ME:

Shayne...

SHAYNE:

Hey 😊

ME:

Please, wag ka munang magpapakita kay Travis 😔🥺.

SHAYNE:

Why??

ME:

Basta....Mamaya ko na lang i-explain.. 😢😢😢 Di kase ako makapagtype nang matagal e. Baka kase makita niyang kausap kita.

SHAYNE:

Okay. I'll try. Papunta palang naman akong school.

ME:

Ok sige 😢

_________________________________________

(Hayy, sana lang talaga. Di sila magkasalubong sa school. Kung hindi, lagot na...)

DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon