Chapter 33 Memories I Can't Escape

2K 45 58
                                    

[-TRAVIS POINT OF VIEW-]

(After 30 minutes sa loob ng simbahan, lumabas na rin kami. At nag-ikot ikot sa public market, bigla na lang siyang nakipagholding hands sakin. Napatingin tuloy ako sa mga kamay namin. Tinignan ko naman siya, parang relax na relax lang siya. Kinausap ko naman siya habang naglalakad kami.)

TRAVIS: Wala naman si Shayne dito kaya di natin kailangang magpanggap na 'tayo'.

SOPHIE: E sino bang may sabi na nagpapanggap pa rin tayo.

(Napatigil tuloy ako sa paglalakad at napatingin ulit sa kanya.)

TRAVIS: Anong... ibig mong sabihin?

SOPHIE: Totohanin na lang natin tutal iyon naman na yung alam ni Shayne. Atsaka, ito na siguro yung tamang panahon para sagutin kita.

TRAVIS: Sophie... (Di na ako makapagsalita sa sobrang gulat ko sa sinabe niya.)

SOPHIE: Di ba, ito yung matagal mo nang hinihiling sakin? Kaya ito na yung sagot ko. Simula ngayong araw na to, 'tayo' na Travis.

...

[-SOPHIE'S POINT OF VIEW-]

(Ngayon, kaharap ko si Travis at hawak ang kamay niya. Hindi ko alam kung anong magiging kahihinatnan ng desisyon kong ito. Pero siguro nga, baka kailangan ko na talaga si Travis para tuluyan ko nang makalimutan si Shayne kaya paninindigan ko na yung nasabi ko noon kay Shayne. Sa puntong to, hindi na ako makakaatras.)

...

[Samantala, natigilan pa rin si Travis at kasalukuyang nakatitig kay Sophie dahil sa pagkabigla.]

TRAVIS: T-totoo ba yan, Sophie?

(Tumango naman ako at bahagyang ngumiti sa kanya.)

(Nagulat na lang ako nung bigla niya akong hinila papunta sa kanya at niyakap ako nang mahigpit.)

[HUG]

[Habang yakap ni Travis si Sophie nang mahigpit, naluluha naman ito at halos di na makapagsalita sa sobrang-saya.]

(Dahil sa ginawa niya, niyakap ko na rin siya. Nung mga oras na yon, ramdam na ramdam ko yung init ng katawan ni Travis. Hanggang sa napansin ko na lang na pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid. Parang wala siyang balak na kumawala sakin kaya nagsalita na ako.)

SOPHIE: T-Travis... Uhmm... Y-yung mga tao... tinitignan na nila tayo... (sabi ko sa kanya nang may pagkailang. Di rin kase ako sanay na tinitignan ng mga tao.)

(Pagkasabi ko nun, unti-unti na rin siyang kumawala sakin. Pagtingin ko sa kanya, nakita kong maluha-luha yung mga mata niya habang nakatitig sakin.)

SOPHIE: Uyy, umiiyak ka ba?

(Sabay naman niyang hinawi yung mga luha niya gamit yung kamay niya.)

TRAVIS: S-sorry ha. Talagang masaya lang ako na sinagot mo na ako.

SOPHIE: Ganun ba? Akala ko tuloy, may nasabe akong di maganda sayo.

TRAVIS: Wala naman.

(Napangiti na lang ako sa kanya. Ngumiti na rin siya sakin. Yun ngiti ni Travis, sobrang genuine. Naalala ko tuloy yung time na nakita ko siyang nakaakbay noon kay Jana noong birthday ng kambal. Ganito rin yung ngiting yun na nakita ko. Di ko akalain na makikita ko ulit itong ngiting ito ni Travis.)

SOPHIE: Tara, ikot-ikot muna tayo dito.

TRAVIS: *[smiles] Tara.

(Kaya yun, naglakad-lakad na kami doon sa palengke habang magkaholding-hands. Sa paglalakad namin, makita akong isang fishball ventor sa di kalayuan.

DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon