[-SOPHIE'S POINT OF VIEW-]
[LAWSON UNIVERSITY]
(Pagdating ko sa classroom, binati ko agad si Claire.)
SOPHIE: Good morning, bes.
CLAIRE: Good morning.
(Napansin ko na parang napakalalim ng iniisip ni Claire. Bigla naman siyang nagsalita gamit ang seryoso at malungkot niyang boses.)
CLAIRE: *[sad] Alam mo ba, bes? Nung paakyat ako sa building nyo, nakita ko si Shayne kahapon na nakaupo sa may hagdanan. Naawa lang ako sa kanya kase nakita ko siyang umiiyak. As in yung mga luha niya sa mukha niya bes, hindi tumitigil sa pagtulo.
SOPHIE: ... *[sad]
(Oo, Claire. May mga nasabe kase ako kay Shayne na di dapat kaya nasaktan ko siya. Ito naman yung mga salitang tumatakbo sa isipan ko. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita.)
CLAIRE: *[sad] Sa buong buhay ko, first time kong nakakita ng isang lalaki na umiyak nang ganon. Sobrang genuine niya na para bang bawat patak ng luha niya... mararamdaman mo na doon yung bigat na ng nararamdaman niya.
SOPHIE: ... *[sad]
CLAIRE: Mukhang... mahal na mahal niya talaga yung ex-gf niya, bes. Kung sino man yung babaeng yon, napakaswerte naman niya.
(Mukhang dapat, sabihin ko na rin kay Claire na si Shayne yung ex-bf ko. Hindi para ipagyabang sa kanya, kundi para sana mai-share ko rin sa kanya yung about sa pinagdadaanan ko ngayon na may kinalaman sa break up namin ni Shayne.)
SOPHIE: Bes, yung-
(Sasabihin ko na sana sa kanya, nang bigla silang nagsalita.)
CLAIRE: By the way, friend, I have something to tell you nga pala.
(Kaya hindi ko na naituloy yung sasabihin ko sana sa kanya.)
SOPHIE: Ano yun, bes?
CLAIRE: Uhmm, a-about kay Shayne...
(Napatingin tuloy ako sa kanya. Nung tignan ko siya, parang namumula-mula yung mukha niya tapos nahihiya at hindi na makatingin sa akin.)
SOPHIE: Hm?
CLAIRE: *[blush] K-kase ano... uhmm how should I explain this?
(Ano kaya yung gustong sabihin ni Claire sakin?)
CLAIRE: Since bestfriends naman tayo... sasabihin ko na rin sayo... Well, about kay Shayne.... Aaminin ko. Nung una palang kaming nagkita, naging crush ko na siya...
(So yun, natigilan na lang ako bigla nang marinig ko yun pero di ko na lang pinahalata sa kanya.)
CLAIRE: ... Pero naisip ko na rin na... 'Ah okay.. attracted lang naman ako sa kanya ngayon kase gwapo siya atsaka nagpakita siya ng konting kabaitan sakin kaya... di naman magtatagal yun siguro. Lilipas din katulad doon sa mga naging crush ko noong highschool tayo.'... Pero that very moment na napagmasdan ko siya habang umiiyak siya, bes, parang... parang bigla na lang akong may naramdamang something... something dito sa puso ko na never kong naramdaman dati..
SOPHIE: ...
(Omg, mukhang alam ko na tong gusto niyang sabihin. Pero sana nagkakamali lang ako.)
CLAIRE: Napaka-random kase nito. You know naman na hindi ako basta-basta naa-attract sa lalaki, right? But Shayne is different. I can say now that...
(Parang naaalangan pa siyang ituloy yung sasabihin niya. Pero bigla na lang siyang nagseryoso at pinagpatuloy lang yung sasabihin niya.)
CLAIRE: I can say now that... that I'm in-love. I think na-fall na ako completely kay Shayne and I want him to be my boyfriend.
BINABASA MO ANG
DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)
Roman pour AdolescentsSophie is just an average girl with simple life. Until one day, she finds herself caught in a complex love triangle between two popular guys at her university. She must choose which man has genuinely captured her heart after experiencing both love a...