[-SOPHIE'S POINT OF VIEW-]
[MIRANO RESIDENCE]
(Akala ko, handa na ako kapag nangyari na ito, na hindi na ako iiyak. Pero nagkamali ako, dahil habang paakyat ako papunta sa kwarto ko, tumulo na naman yung mga luha ko.)
[SOPHIE'S BEDROOM]
(Pagkapasok ko ng kwarto ko, napasandal na lang ako sa pinto at doon na ako humagulgol nang iyak habang inaalala ko yung napag-usapan namin ni Mrs. McNulty nung isang araw.)
...
(Nung mga oras na iyon, habang nakatungo ako at nakasandal sa pinto, pakiramdam ko bigla akong niyakap ng lungkot.
Doon ko na lang din kase realized na yung mga dumaang mga buwan na kasama ko si Shayne e para lang isang panaginip....
Isang napakagandang panaginip na parang yung buong mundo e 'sa akin' at 'sa kanya' lang umiikot at parang hindi matatapos ang oras para saming dalawa...
Isang napakagandang panaginip kung saan masaya kaming dalawa at punong-puno ng mga pangarap para sa hinaharap...
At isang napakagandang panaginip na kung alam ko lang sana na ito lang ang magiging kahihinatnan ng pag-iibigan naming dalawa, sana hindi na lang ako nagising at doon na tumigil ang oras.
Napakasakit kasing masampal ng katotohanan. Sobrang sakit... na sa paggising ko, mas gugustuhin ko na lang manatili sa panaginip na iyon kaysa maramdamang dinudurong yung puso ko at yung nakikita rin si Shayne na nasasaktan..
*[CRYING]
Bakit kailangang mangyari sa'min 'to ni Shayne? Please Lord, sana ipaintindi nyo naman po sakin. Ba't kailangang 'siya' pa? Bakit po?)
...
[Samantala, nasa labas pa rin si Shayne. Nakatigil pa rin siya sa kanyang puwesto at nakatitig pa rin sa isang direksyon. Nakatayo lang siya roon hanggang sa inabot na siya ng malakas na ulan. Pero di pa rin siya naalis sa kinatatayuan niya na para bang nawala na siya sa sarili.]
...
[FEW MINUTES LATER]
(Naulan pa rin sa labas. Bigla akong nag-alala kaya naisipan kong sumilip sa may bintana para tignan siya. Kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko. Pagsilip ko, wala na siya doon at wala na rin yung kotse niya. Baka umalis na rin siya.
Sa itsura ni Shayne kanina, mukhang na-shock rin siya nung nalaman niya yung tungkol sa amin. Hanggang ngayon tuloy, di ko pa rin maiwasang di makaramdam ng lungkot. Sana makauwi siya nang maayos sa kanila. Lord kayo na po ang bahala kay Shayne.)
...
[RAINING]
[Samantala, habang nagda-drive si Shayne pauwi, bakas pa rin sa mukha niya yung lungkot. Kahit wala siya sa mood, pinilit pa rin niyang mag-drive. Kaya sa kalagitnaan ng biyahe niya, muntik pa siyang makabangga ng isang kotse. Buti na lang, napatigil niya agad yung kotse niya. Di lang talaga niya maiwasang di mag-isip dahil sa mga nalaman niya kaya pati focus niya ay naaapektuhan.
Dahil sobrang blangko ng isip niya, itinigil niya muna yung sasakyan sa ilang tabi ng kalsada. Doon muna siya nagpalipas ng oras habang malakas pa ang ulan. Sa sobrang lungkot at gulo ng isip niya, napaiyak na lang siya at sumubsob na lang sa may manobela ng kotse.]
[RAINING]
...
[MCNULTY RESIDENCE]
[Pagdating niya sa bahay nila, nakita siya ni Hayley na marahang naglalakad at para bang nakatingin lang sa isang direksyon. Napansin rin niya na basang-basa si Shayne at animo'y wala sa sarili. Habang naglalakad ito, sinusundan naman niya ito nang tingin dahil na rin sa pagkabigla. Di na nakatiis si Hayley kaya nilapitan na niya si Shayne at kinausap na rin niya ito.]
BINABASA MO ANG
DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)
Ficção AdolescenteSophie is just an average girl with simple life. Until one day, she finds herself caught in a complex love triangle between two popular guys at her university. She must choose which man has genuinely captured her heart after experiencing both love a...