Chapter 11

188 14 6
                                    

Naalimpungatan ako ng may marahang tumapik-tapik sa pisngi ko.

"Babe, babe?"gulat akong napatingin kay Octav na nasa harapan ko ngayon.

"A-anong ginagawa mo dito?"tanong ko at bahagyang napabangon, dito na pala ako sa sofa nakatulog sa sobrang pagod at pag-iisip.

"Why did you sleep here in the sofa?"he asked and help me to sat up.

"N-nakatulog na'ko dito sa sobrang pagod,"sabi ko at umiwas ng tingin.

"You didn't even change your clothes?"I fake a cough and get up.

"Dumaan pa kasi ako sa tianggihan kaya late ako nakauwi tsaka hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa sofa,"pagsisinungaling ko.

"Hmm,"hinila niya ang kamay ko at pinaupo ako sa kandungan niya.

"A-ano ba Octav, bitiwan mo nga ako."palag ko ngunit hindi niya ako binitiwan.

"Stay, I want my rest babe. I'm tired,"halata ang pagod sa boses niya, napakagat naman ako sa labi.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Bakit hindi ka nalang dumiretso sa condo mo para nakapag pahinga kapa,"nakonsensya ako.

"You know you are my rest,"bulong niya sa tainga ko at hinalik-halikan ang batok ko.

"O-octav ano ba, pagod ako. Kung gusto mong dito matulog doon ka sa kabilang kwarto at kung ayaw mo naman umuwi ka nalang sa condo mo."sabi ko at pilit binaklas ang yakap niya sa beywang ko.

"What? Why not in your room?"he asked, dumbfounded.

"Kasi ayokong katabi ka Octav, simple as that."sabi ko at tinalikuran siya, tumayo narin naman siya at hinawakan ang kamay ko upang pigilan ako sa pag-alis sa harapan niya.

"Babe wait, what's wrong? Do we have a problem? Are you okay? Are you not feeling well?"sunod-sunod niyang tanong, pinilit ko namang ikunot ang noo ko.

"Wala akong problema, at ayos lang ako. Kaya kung pwede lang, bitiwan mo ako at gusto ko ng matulog."nakita kong napakunot din ang noo niya at huminga ng malalim.

"Fine,"sabi niya at binitawan ang kamay ko. Para namang nag slowmo sa paningin ko ang pagbitaw niya sa kamay, parang gusto kong ibalik ang pagkakahawak niya doon.

Dire-diretso siyang pumunta sa pinto at lumabas, iniwan ako sa condo ko kagaya ng gusto ko.

Pero bakit ang sakit? I obviously triggered him, alam kong pagod siya at ang gusto niya lang ay makasama at makapag-pahinga sa tabi ko pero anong ginawa ko? Pinagtulakan ko pa siya at hindi ko man lang tinanong kung pagod o gutom ba siya.

Sorry.

Sunod-sunod na namang nagsituluan ang luha kong akala ko ay naubos na kanina pero mukhang hindi pa pala.

He's the hero in my story, and maybe I'm the villain in his.

Pinilit kong kumalma at hinimas ang tiyan ko.

"Sorry baby, umiiyak na naman si Mommy. Nasasaktan kasi ni Mommy si Daddy mo ng hindi sinasadya—oh scratch that, sinasadya ko talaga, ito lang ang naiisip kong paraan para maligtas ka."suminghot-singhot ako."don't worry, si Mommy ang bahala sa'yo hmm?"ngumiti ako atsaka dumiretso na sa kwarto para makaligo at makapag pahinga na.

-
Nagising ako ng tumunog ang alarm clock ko. Pupungas-pungas akong umupo sa kama at huminga ng malalim.

Another day, another pain.

Hindi ko pa nagagawa ang talagang dapat kong gawin, kaya kailangan kong maging matatag, kahit para sa anak ko nalang.

Dumiretso ako sa banyo tsaka naligo at nagbihis lang ng pang bahay, aalis na din naman na ako kaya hindi ko na siguro kailangang mag trabaho pa sa kompanya na 'yon.

Hiding from Billionaire (Man in Suit Series #1)Where stories live. Discover now