"Lea, where are you baby?"I shouted and looked around in our backyard.
Hindi pa siya kumakain ng almusal gusto na agad na maglaro. Tinakbuhan ba naman ako at tinaguan, ilang minuto na din akong naghahanap sakaniya.
"Leaniel!"sigaw ko na sa buong pangalan niya.
Napakatigas ng ulo.
Lumabas naman agad siya sa pinagtataguan niya, andoon lang pala siya sa gilid ng malaking halaman. Nakayuko siya at nakasimangot na tinignan ako.
"I'm sorry Momma,"she said and do a puppy eye. "Call me by my nickname again please, don't call me Leaniel again."she smiled sweetly and hugged my waist.
Tinatawag ko lang kasi talaga siya sa buo niyang pangalan kapag galit na ako at alam niya 'yun.
"Don't run and hide from me again kapag pinapakain kita okay?"ngumiti siya, kita ang mapuputi niyang ngipin.
I can't believe she's four years old now. Parang kailan lang. She really resemble her father, she got the eye, the nose, and the lips. well I guess she got her attitude on me.
"Yes momma, I'm not gonna do it anymore."I pinched her cheeks and smiled at her too.
"Tara na, finish your food na so you can take your vitamins hmm?"
"Yes momma, uubusin ko na po."sabi niya at biglang nanlaki ang mata na tumingin sa'kin, natawa naman ako dahil alam ko ang dahilan."ops momma, nag tagalog po ako."nakanguso siyang tumingala sa'kin.
"It's okay baby,"sabi ko at binuhat siya.
"No momma, it's not okay po. Pa'no kapag nakita ko si daddy ko po? Edi hindi niya ako maiintindihan kapag nag tagalog ako kasi English po si daddy ko 'di ba?"parang maiiyak niyang sabi, napakagat naman ako sa labi, nagpipigil ng ngiti.
"I already told you na 'di ba? He can also understand and speak tagalog,"sabi ko.
"Pero mas maiintindihan niya po ako kapag nag English po ako,"
Tumawa nalang ako sakaniya.
Kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya si Octav? I haven't heard anything from him since that day.
The day I broke up with him is the day I left and choose to stay in this province of porac in pampanga. It's peaceful here, the green view of this place where I choose to build our not so small house is so beautiful and it calms me and my thoughts.
Ginamit ko lahat ng naipon ko sa ilang taong pagtatrabaho kay Octav sa pagpapatayo ng bahay namin dito at ngayon ay may hindi gaanong kalakihan at hindi rin naman ganoon kagaano kaliitan na grocery store, nag b-bake rin ako ng cupcakes at cake, dagdag kita din lalo't sa susunod na taon ay mag-aaral na din siya.
Kailangan kong mag ipon lalo't gusto ko sa isang private school siya pag-aralin, kailangang mag doble kayod.
"Momma,"tawag sa'kin ni Lea."ayos ka lang po?"tanong niya, natulala na pala ako sa sobrang pag-iisip hindi ko man lang napansin.
"Momma is fine baby, pagod lang siguro ako."sabi ko at pinaubos na sakaniya ang pagkain niya.
Pagkatapos niyang kumain ay pinaliguan at binihisan ko na agad siya. Kailangan kong asikasuhin ang mga order na cake at cupcake ngayong araw.
"Momma are you gonna work all day again and leave me to tita Irish?"inosenteng tanong niya habang binibihisan ko na siya. Napaka-inosente ng tanong niya pero bakit nasasaktan ako para sa anak ko?
"Why baby? Don't you want momma to work now?"tanong ko at tinalian naman na ngayon ang buhok niya.
She's wearing a baby pink plain dress and light pink sandals. Well, guess I really loved pink for her.
YOU ARE READING
Hiding from Billionaire (Man in Suit Series #1)
RomanceMan in Suit Series #1 Octavius Leoniel Romero - 'Octav'