Chapter 17

208 12 0
                                    

"Oh? Bakit ganiyan mukha mo?"bungad sa'kin ni Irish na komportableng nakaupo sa sofa.

Hindi ko pinansin ang tanong niya."Si Lea?"tanong ko.

"Tulog na, napagod yata sa paglalaro sa game zone. Naubos 500 ko sakaniya ha,"pabagsak akong umupo sa harap ng inuupuan niyang sofa.

"Anong gagawin ko Irish?"sinabunutan ko ang sarili ko."Para na akong mababaliw,"dagdag ko.

"Ano bang nangyari?"tumingin ako sakaniya at ngumuso.

"Nagkita kami ni Octav,"nanlaki ang mata niya.

"For real? Kailan? Saan?"tutok na tutok na siya sa'kin ngayon.

"Kahapon?"hindi siguradong sagot ko."Oo, kahapon nga. Umorder siya sa shop ng cake tapos uhm ano,"napakamot ako sa ulo.

"Tapos ano?"para siyang kiti-kiti."Dalian mo naman mag-kwento, bitin-bitin. Ikaw ibibitin ko ngayon tignan mo man,"inirapan niya ako.

"Kasi ano, uhm nag uhm kiss kam—,"

"What?!"lalong nanlaki ang mata niya at awang ang labi."Nag kiss agad kayo? Unang pagkikita niyo palang ulit after so many years tapos magkikiss lang agad kayo? So unfair,"she rolled her eyes.

"Siraulo, mukhang nadala lang siya ng kalibugan habang ako nadala ng nararamdaman ko sakaniya. 'yun 'yung unfair, sabi ba naman niya mistake lang daw 'yun at kalimutan nalang."napairap ako sa kawalan.

"Ouch, that's hurt a lot I guess."nagkibit balikat siya.

"Anong I guess, masakit talaga 'yun."sabi ko at umirap."And guess what?"sarkastiko akong ngumisi.

"What?"nanliit ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.

"Magiging instant maid niya lang naman ako for a week dahil sa kagagahan ko,"hindi ko alam kung anong mararamdaman, dahil imbes na maawa sa'kin ang kaibigan ko ay tinawanan pa ako.

"A-ano? Ikaw magiging yaya niya?"natatawang sabi niya at tinuro pa ako."Naks naman, dati sexytary tapos ngayon sexy-aya na."dagdag niya at humagalpak ng tawa.

Tarantadong 'to, abnormal.

"Ewan ko sa'yo,"inirapan ko siya at humalukipkip.

Anong gagawin ko? Nakakainis.

"Ano bang sabi? Mahal kapa daw ba?"natatawang tanong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Manahimik ka nga, sigurado akong naka move-on na 'yun. Oa mo ha, mahal? Baka nga may girlfriend na 'yun ngayon o kaya,"napalunok ako."Asawa,"humina ang boses ko ng banggitin 'yun.

Napakagat labi ako at inignora ang kirot na naramdaman sa sariling naiisip.

"Sakit?"nang-aasar na sabi ni Irish.

"Ewan ko sa'yo, wala ka talagang kwenta kausap."inirapan ko siya."Umalis kana nga dito,"

"Wow ha,"parang nasasaktang sabi nito, napahawak pa sa dibdib."Pero alam mo, pakiramdam ko mali 'yang pinasok mo."seryosong usal niya bigla.

"Pa'no mo nasabi?"tinaas ko ang isang kilay ko.

"Dahil alam kong mahal mo pa siya."tinitigan niya ako, iniwas ko naman ang tingin ko sakaniya at pekeng tumawa."Masasaktan ka lang, masasaktan kana naman."

"Pinagsasabi mo diyan? Ang tagal na nun Irish, anong akala mo sa'kin? Hindi marunong mag move-on?"natatawa kong sabi, pilit tinatago ang tunay na nararamdaman.

"Hindi naman sa hindi ka marunong mag move-on pero parang ganon na nga,"sumandal siya sa sofa at tumingala."Halata sa'yong hindi kapa naka move-on, mahal mo pa siya."lumingon siya sa'kin at ngumisi.

Hiding from Billionaire (Man in Suit Series #1)Where stories live. Discover now