Kabanata 2

60 10 21
                                    

(Chapter 2)

• • •

Humahangos akong bumangon mula sa malambot na kama. Nasapo ko agad ang aking dibdib dahil ang lakas ng tibok nito habang hindi mawala sa isip ko ang nakakatakot na panaginip.

Nabaril daw ako at namatay.

Ilang segundo akong nakatulala habang pinapakiramdaman ang sarili. Nararamdaman ko pa naman ang init sa mga balat ko habang sinasalat ang aking noo at leeg.

Matapos kong masigurado na buhay at humihinga pa ako ay saka ko lamang nagawang mapansin ang suot kong damit. Isa itong green night gown na mabilis na yumayakap sa kurba ng aking katawan.

Nangunot ang aking noo hanggang sa mapansin ko na nasa loob ako ng isang hindi pamilyar na kuwarto.

Una kong nakita ay isang espada na may detalyadong disenyo na nakapatong sa isang malagintong mesa. Halos lahat yata ng furniture rito ay gawa sa ginto o 'di kaya'y mamahaling materyales.

Alam ko ang pinagkaiba sa cheap na materials at ma-quality kaya naman masasabi kong may datung ang kung sino man ang may-ari ng kuwartong 'to.

Mabilis akong bumangon mula sa kinahihigaan. Kaya naman pala napakalambot ng higaan ko, hindi ko pala 'to kuwarto.

Pero kanino ba 'to? Nasaan ako? Paanong napunta ako sa magarang silid na ito?

Pagkatapak ko ay mabilis kong naramdaman ang malamig na sahig sa aking talampakan. Naglakad ako at namamanghang pinagmasdan ang buong kuwarto.

Kung kumuha kaya ako ng isang gintong vase? Napangiwi ako habang tinitingnan ang magarang vase na mukhang hindi ko kakayaning buhatin. Umiling ako nang bahagya bago ko sinipat ang ginintuang salamin. Napangiwi akong muli. Mas lalong hindi ko ito kakayanin.

Sa huli ay napili kong ibulsa ang isang maliit na hairpin. Gawa rin ito sa ginto kaya mukhang malaki-laki rin ang kikitain ko if maisasangla ko kay kuya Baldo.

Matapos kong maibulsa ang gintong hairpin ay dahan-dahan at walang ingay akong naglakad patungo sa pinto. Ngunit bigla ay nakuha ng ginintuang salamin ang atensiyon ko nang makita ko ang aking kabuuan.

Namilog ang aking mata habang nakatingin sa aking repleksyon. Itong babae na nasa harapan ko ay sigurado akong hindi ako ngunit magkaparehas kami ng hugis ng mukha.

She has a small round face. She has also a long and wavy color teal hair. Her eyes are upturned and have a beautiful emerald iris. She also has a small pointed nose and a round pinkish lips.

Bakit ang ganda niya?

Nung naglakad ako palapit sa salamin ay ganoon din ang ginawa nang babaeng kamukha ko.

Nagkasalubong ang aking kilay at saka itinaas ang dalawang kamay sa ire para iwagayway at katulad kanina ay ginaya rin iyon nung babae na nasa salamin.

May pumapasok na ideya sa'king isipan ngunit gusto ko ng kaunting pruweba pa.

Dahan-dahan kong ibinaba ang dalawang kamay na siyang ginawa rin nung babae. Kapag itong huling galaw ko ay gagawin niya, maniniwala na akong iisa lang kami at repleksyon ko talaga ang nasa salamin.

Marahan kong itinaas ang kanan kong kamay na naka-peace sign at itinapat ito sa bandang mata bago ako dumila nang pabebe habang naniningkit ang mga mata.

Tale of the Fallen CommanderWhere stories live. Discover now