Kabanata 5

29 3 0
                                    

(Chapter 5)

• • •

Tumakbo ako nang tumakbo habang sumisigaw. Patuloy ako sa mabilis kong pagtakbo palayo mula sa mga mababagsik na halimaw na patuloy sa'king humahabol. I could feel the numbness on my feet. Sumasakit na rin ang lalamunan ko kakatili dahil sa takot.

"Shooo! Lumayo kayo sa'king mga panget na aso!" Muli kong sigaw at muling napaiyak dahil ilang metro na lang ang layo nila sa'kin.

Rumaragasa ang kaba sa dibdib ko habang mabibilis ang bawat paghakbang. Sa palagay ko'y ilang segundo na lamang ang natitira sa'king oras. Hindi magtatagal ay maaabutan din ako ng mga pangit na aso na 'to.

Never in my life I have imagined running like this for my life. Ngayon lang din ako nakaramdam ng ganitong kaba sa buong buhay ko.

Kung sino man ang nangtrip sa'kin na mabuhay bilang si Sia, ay pipingutin ko ang ngala-ngala.

"Pakshet..." Lumanding ang mukha ko sa lupa nang matalisod ako sa isang maliit na ugat.

Wala na. Finish na.

I'm doom!

Hindi na ako nag-abala pang bumangon. Pumikit na lamang ako at tinanggap ang kalunos-lunos na kapalaran dito sa loob ng libro.

Farewell, Guggenheim. Hope won't see you again.

"Tama nga ang aking hinala."

Ha?

Ang inaasahan kong mga mababangis na aso ay paranh bula na biglang nawala. Tapos ang hindi ko inaasahan ay ang isang estrangherong guwapo na may anim na abs ang tumutulong sa'kin na makatayo.

My mouth is half opened while scanning his face. He has a tan skin. Black hair. Piercing eyes that can melt my panty. And his broad shoulder. Parang ang sarap magpayakap.

Wait!

Sinubukan kong alalahanin ang pamilyar niyang mata. I feel like nakita ko na 'to. Saan nga ba? Sa real world?

"You're commander Allard." Hindi iyon tanong kun'di statement. Pero sa abot ng aking makakaya ay magdedeny ako.

"Aray! Pot—" napatakip ako ng bibig habang nandidilat ang matang tumingin sa gwapong lalaki na nasa harapan ko.

Bigla niyang pinitik ang noo ko ng napakalakas. Feel ko magkukulay pula ang noo ko e.

Inis ko siyang inirapan. Huminga rin ako nang malalim.

"Oo na. Oo na! Oo na! Ako na si Sia kahit hindi naman talaga ako si Sia! Pero oo na! Tama ka na! Ako nga s—hmpppp!" tingnan mo 'to, bigla-bigla na lang mangtatakip ng bibig. Bastos lang? Umaamin na nga ako e.

Kabuset.

"Gusto mo bang malaman ng lahat na ikaw ang Commander?" mahina niyang bulong malapit sa'king tainga.

Medyo nailang ako kasi I can feel his breath on my neck. Kinikilabutan ako. Guwapo pa naman siya.

"Who you ka ba? Sinusundan mo ba 'ko?" tanong ko na lamang.

Sa wakas ay naisipan niya ring lumayo sa katawang lupa ko. Nakahinga ako ng maluwag. Iyong kaninang kaba na nararamdaman ko ay parang magic na naglaho dahil sa presensiya na estrangherong guwapo na 'to.

Siguro naman ay mabait siya. Guwapo kasi kaya siguro naman ay may kosensiya 'to kung balak niya akong murder-in.

"I'm Claus Aston Barbier. I'm a half human and half Elf. Nanggaling ako sa bayan ng Shelqome." Bahagya siyang yumuko.

Tale of the Fallen CommanderWhere stories live. Discover now