Kabanata 4

33 4 0
                                    

(Chapter 4)

• • •

"Hindi ka ba nagtataka master na parang ang bilis naman yata natin siyang mahuli?" tanong ng isang boses sa hindi kalayuan.

Nagmulat ako ng aking mata at kaagad na sumalubong sa'kin ang masakit na liwanag ng araw kung kaya't napapikit ulit ako.

Peste, sakit sa eyes.

"Walang nakakataka roon, Ryan. Sadyang matalino lamang ang plano ko." Sagot naman ng isa pang boses, hindi kalayuan sa kinaroroonan ko.

"Hindi ba't siya ang Commander? Bakit parang hindi siya magaling? Mukha siyang ordinaryong babae lang." Sagot at komento pa ng nakakairitang boses na 'yon.

Alam kong ako ang pinag-uusapan at iniinsulto ng dalawang lalaking nang-ambush sa'kin sa daan. Talagang ako ang pakay nila. Hindi ko nga lang matukoy kung ano ba ang kailangan nila sa'kin o kay Sia. Sa tagal kong nakikinig sa kanila ay puro insulto at walang kuwenta lang ang pinag-uusapan nilang dalawa.

"Ayon kay Shia, dito dadaan ang babaeng commander. Kaya sigurado akong itong babaeng ito ang hinihintay natin," anas nung lalaking mukhang may pakana ng lahat ng ito.

Muli akong nagmulat ng mata. Saktong tumingin sa gawi ko ang lalaki. Bahagyang lumaki ang kaniyang mata ngunit mabilis ding nakabawi at sinenyasan ang kasama.

"Gising na siya. Maging handa ka," utos nito kasabay ng pagkuha sa kaniyang espada sa kaniyang tabihan.

Mahigpit ang pagkakatali nila sa'kin sa isang puno. Mukhang ayaw na ayaw nilang makawala ako kahit na imposimbleng makatakas ako sa pagkakatali nila.

Nakipagtagisan ako ng titigan sa lalaking may itim na itim na buhok. Nakasuot ng itim na kasuotan. Parang isang assasin kung ihahalintulad ko sa modernong panahon.

"Commander Allard." Banggit niya sa pangalan ko.

Hindi ako kumibo o kumurap. Tuloy lamang ako sa pagtitig sa kaniya. Ang magandang plano na naisip ko ay dapat kong pangatawanan. Ang kailangan ko lang ay kung paano ko matatakasan ang dalawang lalaki na 'to.

Napasulyap ako sa natutulog na si Dorothy. Nakatali rin ito ngunit hindi sa puno. Napabuntong hininga ako dahil kanina pa ito tulog na tulog.

"Don't be afraid, Commander. I am not a bad guy, I just need your help." wika pa nito.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa mga mata niya. Ang kulay abo niyang mata ay walang emosyon na nakatitig sa akin. Gusto kong makita ang mukha niya ngunit isang itim na tela ang nakatakip sa kalahati niyang mukha katulad ng isa pa niyang kasama na nagngangalang, Ryan.

Nakita ko ang simpleng paglapit ni Ryan sa kaniyang master.

"Master, mukhang mali tayo. Hindi 'yan ang babaeng commander," bulong nito.

Tiningnan ako nang buo ng kaniyang master at saka humakbang palapit sa kinaroroonan ko. Nanigas ang buo kong katawan nang hugutin nito ang nakakasilaw niyang espada lalo nang itutok niya ito sa tapat ng aking leeg.

Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagsinghap ko.

Puta-

Bakit naman nanunutok ng espada?!

Hanggang dito na lang yata ako. Mamamatay na ako. Ayoko na. Saan naman kaya ako mapupunta? Sa ibang libro ulit?

Natataranta at naiiyak na ako sa loob ng isip ko pero nanatili akong tahimik at pinigilang huwag magbitaw ng mga salita.

"Huwag!"

Magkakasabay kaming lumingon kay Dorothy na sa wakas ay nagising na rin. Pilit itong kumakawala sa mga tali sa kaniyang kamay at paa ngunit kahit ano'ng gawin at subok niya ay hindi siya makawala.

Tale of the Fallen CommanderWhere stories live. Discover now