Kabanata 6

23 3 0
                                    

(Chapter 6)

• • •

Ilang beses akong pinandilatan ng mata ni Dorothy habang nakasakay kami sa karwahe kasama sina Claus at Ryan. Katabi ko si Claus habang silang dalawa naman ni Ryan ang magkatabi sa harapan namin.

Kanina pa siya tutol sa naging desisyon kong sumama sa dalawang estrangherong lalaki. Pinapasok ko lang sa isang tainga tapos ay ilalabas ko sa kabila ang mga salitang sinasabi niya. Pinangaralan niya rin ako tungkol sa pagtitiwala.

Sa isip ko, hindi naman ako basta-basta sasama kung wala akong tiwala sa isang tao. I know who to trust and I know that Claus is one of them.

Naisip kong lingunin ang tahimik kong katabi but I was totally surprised when I saw him looking directly at me. Bahagyang nanlaki ang mata ko habang ilang beses na napakurap. Tumaas ang isang labi niya habang nakikipagtitigan sa'kin.

"Milady!" Napatalon ako sa kinauupuan nang biglang isigaw ni Dorothy ang pangalan ko.

"Bakit ka ba sumisigaw?" naiinis kong singhal nang tingnan ko siya. Bahagya siyang umalis sa kinauupan para lang itulak ako palayo kay Claus. Halos isiksik ako sa dulo ng karwaheng sinasakyan namin.

"Ang OA mo talaga," bulong ko sabay irap sa kaniya. Inirapan din ako ng gaga bago bumalik sa upuan.

Halos ilang oras ang naging biyahe namin gamit ang karwahe bago namin narating ang pinakabayan ng Gremlins. Pagkababa pa lang namin ay kaagad na bumungad ang maingay at makulay na lugar ng bayan.

My mouth was half opened while looking at the whole place. Kapwa abala ang bawat tao na nakikita namin. Ang bawat galaw nila ay mabibilis na hindi pwedeng bumagal at para bang may hinahabol na oras. Sa bawat gilid naman ng kalsada ay makikita ang bawat stall na nakatayo para sa mga nagtitinda. They're selling clothes and other things. Napakakulay ng bawat paninda. Kumpleto ang kulay ng rainbow.

"Binibini, bilhin niyo na po ang mga paninda ko?" nagulat ako sa biglang paglitaw ng isang bata sa unahan ko. Napaatras ako hanggang sa makabangga ng isang tao. Paglingon ay bumungad sa'kin ang nakakunot noong si Claus. Siya pala ang nabangga ko.

"Sorry, may bata kasing sumulpot," katwiran ko bago hinarap ang batang salarin.

Tiningnan ko ang bitbit niya. Nagkasalubong ang kilay ko saka kinuha ang inaabot nitong paninda. Habang pinagmamasdan ang hawak ko ay bumalik sa isip ko ang bawat alaala noong nasa mundo ko pa ako.

Kahawig ng bulaklak ng sampaguita ang mga paninda ng bata ngunit bagkus na kulay puti ay iba't iba ang kulay ng mga ito.

"Wow..." namamangha kong bulong habang hawak-hawak ang bulaklak na ginawang kuwintas.

Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang may kumuha noon sa kamay ko at itinapon sa lupa. Hindi ako makapaniwalang bumaling kay Claus na siyang may gawa.

"Ano'ng ginawa mo?!" pinandilatan ko siya ng tingin.

Bigla ay hinila niya ako sa braso palayo sa batang nagtitinda. Halos takasan ako ng bait nung basta na lang iwinasiwas ni Claus ang dalang espada sa bata.

Nanginig ang buo kong katawan sa loob ng mga braso ni Claus dahil imbes na matumba at dumanak ang dugo ay naging isang mabangis itong aso—katulad na katulad ng mga asong humabol sa'kin kagabi.

Ang kaninang maingay at masayang pamilihan ay napuno ng sigawan at gulo. The the monster dog tried to attack me pero laging mabilis ang galaw ni Claus para iiwas ako. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayare dahil lagi niyang akong hinihila palayo sa atake ng asong halimaw na kanina ay batang nagtitinda.

Tale of the Fallen CommanderWhere stories live. Discover now