Kabanata 7

26 2 1
                                    

• • •

"It's your choice, Artemisia. If you'll take my side, I'll make you the first female Commander of Guggenheim. If you choose to be my enemy, death will go after you."

The voice that was talking to me was very familiar. Nasa harapan ko lang siya and we were inside the palace. But, I can't clearly see his face. Malabo at hindi ko makita ang kaniyang buong mukha. I'm sure we were inside the palace but I am not sure where it is located and it's dark yet bright inside.

"If you make me the Commander, I shall forever serve you, Your Majesty."

Upon saying those word, unti-unti ay naging malinaw ang kausap ko. It was the King of Guggenheim. What's happening?

Is this a dream or is it a memory of Sia?

I saw the King smiled when he heard my answer.

"Very well, Artemisia. Ama mo nga talaga si Octavio. Parehas kayong hayok at gahaman sa kapangyarihan," he laughed like a devil. But what caught me off guard is when I heard myself laughing with him like some sort of witch.

Ano ba'ng pinaggagawa ni Sia sa buhay niya noon? If this is a part of her memory, this will surely changed my perspective against Sia. How can she make a deal with the King? And what's the deal about?

• • •

"Milady? Milady, ano'ng nararamdaman mo?" Mukha ni Dorothy ang bumungad nang magmulat ako ng mata.

Mahina akong napa-ungol habang sapu-sapo ang noo. My head is throbbing. Pakiramdam ko ay umiikot ako. Ang sakit din ng buo kong katawan.

"Ano'ng nangyare sa'kin?" I lifted myself up. Mabilis naman akong tinulungan ni Dorothy.

Pagkabangon ay saka ko lamang napansin ang lugar na kinaroroonan namin. Nasa loob kami ng isang sirang bahay. Mukhang abandonado na dahil halos wala na itong bubong at dingding. Nasira na ng panahon.

"Nawalan ka ng malay sa paglalakbay, Milady." Sagot ni Dorothy habang nag-aabot ng inumin sa'kin. Kinuha ko iyon at lumagok ng ilang beses. Binalik ko sa kaniya ang lagayan ng tubig bago siya pinaningkitan ng mata.

"Hindi ba may nakasalubong tayong mga Geozi sa daan? At saka yung mag-ina..." hindi ko nagawang ituloy ang dapat na sasabihin when Claus and Ryan suddenly came. Kapwa may dalang pagkain na nakalagay sa kakaibang dahon.

Kahit ramdam ko ang gutom ay hindi ko nagawang matakam sa pagkaing dala nila. Bakit ba kulay dilaw ang pagkain na dala nila? Itsurang dumi ng tao kung titingnan. Imbes na matakam ay nasusuka ako.

"Natalo nila Master Claus ang mga Geozi kahapon ngunit hindi namin nagawang iligtas ang buhay ng babae at ng sanggol," sambit ni Dorothy saka niya sinalubong ang kadarating na kasama.

Kitang-kita ko kung paanong lumiwanag ang mukha ni Dorothy nang makita ang pagkaing dala nina Ryan. Napangiwi ako nang sumandok siya at sinimulang kumain. Hindi ako makapaniwalang nagtakip ng ilong at bibig habang nakangiwing pinagmamasdan si Dorothy. Kahit ang amoy nito ay hindi kaaya-aya sa pang-amoy.

Dahil nakafocus ang buo kong atensiyon sa pagkain ay hindi ko nagawang mapansin ang paglapit ni Claus sa'kin. Nagulat na lang ako sa biglaang paglapat ng kamay niya sa noo ko. Napapitlag ako dahil sa gulay. Tila ba'y pinakikiramdaman ang temperatura ng aking katawan.

Napataas ang tingin ko sa kaniya. He looked down and raised his eyebrow.

"Wala ka ng lagnat, Commander. Mabuti naman kung ganoon. Kailangan nating magmadali sa paglalakbay. Heto," sabi niya saka inilapit ang pagkaing hindi ko kailanman titikman. Eksaherada akong lumayo na mabilis naman na ipinagtaka ng tatlo kong kasama.

Tale of the Fallen CommanderWhere stories live. Discover now