Kabanata 3

39 7 4
                                    

(Chapter 3)

• • •

"Tara na, Thomas."

Malakas kong sambit habang nakangising pinagmamasdan ang lukot na mukha ni Gratho. Muntik pa akong humalakhak kanina habang pinagsasabihan siya ng Hari na hindi ako puwedeng makipaglaban sa ngayon dahil may epekto pa rin ang lason sa buo kong katawan.

Para siyang pinagalitan ng teacher dahil siya ay isang bida-bida.

Bago ako tuluyang mawala sa paningin niya ay binigyan ko siya ng isang nakakaasar na ngisi at hair flip.

Ngayon ay masaya akong naglalakad habang dala-dala ni Thomas ang mabigat na espada. Naisipan kong mamamasyal muna sandali sa palasyo nang makasalubong namin si Venxiel.

Kumaway ako at ngumiti. Halata sa mukha niya ang kaguluhan sa ginagawa ko. Sabagay, hindi palangiti si Artemisia. She's not friendly, kilala kasi siya bilang estrikta lalo na sa mga knights.

"What's with you?" untag niya.

Ngumuso ako at humalukipkip sa harapan niya.

"Hmm, wala naman. Masaya lang ako na buhay pa 'ko kahit dito ako napunta," sambit ko. Ang magkasalubong niyang kilay ay halos magdugtong na sa sinabi ko.

"What?" naguguluhan niyang saad. Umiling ako at winagayway ang kamay sa kaniya.

"Wala. Huwag mo na isipin. O siya nga pala, maglilibot-libot muna ako rito sa palasyo," paalam ko kasabay nang pagtapik ko sa balikat niya.

Bumuka ang labi niya ngunit walang salita ang namutawi roon. Nang wala akong marinig sa kaniya ay niyaya ko na si Thomas na umalis.

Habang naglilibot kami sa palasyo ng Guggenheim, halos ilang beses kaming may nakasalubong ng mga knights. Sumasakit na ang panga ko kakangiti sa kanila.

"My lady, Lord Allard is waiting for us," bulong ni Thomas habang nandito kami sa isang veranda, tinatanaw ang magandang tanawin ng magandang hardin sa palasyo.

Isa sa iniisip ko ngayon ay kung paano ko aaralin ang pagiging Artemisia Gaddi Allard. Matalino, magaling makipaglaban at may leadership. Eh halos lahat yata ng katangian niya ay wala ako, maliban na lang siguro na magkamukha talaga kami.

"My lady?"

Maganda sana kung may diary siya. Mas malalaman ko ang mga laman ng isip niya nung nabubuhay pa siya pero wala. Sa ugali ni Sia, suntok sa buwan ang magkaroon siya ng talaan ukol sa sarili niya.

Malalim akong napabuntong hininga kasabay nang paglapat ng kamay ni Thomas sa balikat ko.

Napapiksi ako dahil sa gulat.

"Ay gago! Thomas! Papatayin mo ba 'ko?" pinanlakihan ko siya ng mata.

"Lord Allard is waiting for us, my lady. Let's go," aniya, hindi pinansin ang sinabi ko.

Nauna siyang tumalikod at naglakad paalis. Napangiwi ako habang nakabuntot sa kaniya.

"Thomas, what if hindi na bumalik ang kakayahan ko sa pakikipaglaban? What if forever lampa na lang ako?" tanong ko nang wala sa sarili habang nakasunod sa kaniya.

Hindi siya lumingon o tumigil ngunit sinagot niya naman ang tanong ko.

"That's impossible my lady. If ever that you'll not be able to retrieved your skills, you can always learn it. You're an Allard, Lady Sia. You can always do everything as long as you want it," mahaba niyang litanya.

Napatakbo ako nang bahagya upang makapantay siya sa paglalakad.

"So, ibig sabihin kailangan ko ulit matutunan if in case na hindi bumalik ang galing ko?" pangungulit ko.

Tale of the Fallen CommanderWhere stories live. Discover now