Kabanata 8

28 3 0
                                    

(Chapter 8)

• • •

Hinihingal akong gumulong sa putikan. Ramdam ko ang mga matitigas na bato na bumaon sa balat ko. Napangiwi ako dahil sa sakit pero hindi na ako uminda pa. Mabilis ang naging galaw ko. Bumangon at hinanap ang mga tusong Glasis.

Malalalim ang bawat paghugot ko ng hininga habang hinahanap ang kalaban.

Hindi ko alam kung nasaan ako. Natagpuan ko na lang na nag-iisa ako sa kakaibang lugar na ito. Nasa gitna kami ng gabi sa ilalim nang maliwanag na buwan. Malakas ang patak ng bawat butil ng ulan. Madulas ang bawat daanan at maputik.

Ang lugar na ito ay parang walang hangganan. Kahit ano'ng takbo ko ay bumabalik at bumabalik ako sa lugar na 'to.

Kanina pa ako nag-aalala kina Dorothy. Nag-aalala rin ako kung paano ako makakabalik sa pinanggalingan ko.

But one thing is for sure, na ang Glasis ang dahilan kung paano ako napunta rito.

Mula sa gilid ay may mahinang hangin na dumaan. Kaagad akong lumingon sa gawing iyon. Wala akong nakita. Pagkatapos ay mayroon na namang dumaan na hangin sa kabilang gilid. Muli akong humarap sa gawing iyon. Wala na naman akong nakita.

"Hoy! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yong punyetang Glasis ka! Kapag ikaw nahuli ko, kukurutin talaga kita sa singit mo!" naiinis kong sigaw sa kawalan. Sigurado naman akong naririnig niya 'yon.

Pero sa totoo lang ay abot-abot na ang takot sa loob ko. 'Cause no one can save me here. Ngunit, hindi iyon dahilan para hindi mainis sa pinaggagawa nila.

Maya-maya ay may humagikgik sa kanan kong tainga. Pagkalingon ay kaagad na bumungad sa'kin ang nakakatakot na mukha ng Glasis. Napahiyaw ako't napaupo.

Muli itong nawala na parang bula.

Ang Glasis na iyon ay anyong tao, may mga pakpak na walang balahibo. Puros puti ang kulay ng mata. Maputla ang kulay at may mahahabang ngipin na nabubulok. Bago ko makalimutan, halos wala na rin silang mga buhok.

Bumibigat ang bawat paglanghap ko ng hangin. Parang bigla ay bumibigat ang katawan ko dahilan para mapaluhod ako. Namuo ang takot sa buo kong pagkatao nang hindi ko magawang igalaw ang kamay kahit na inuutos iyon ng utak ko.

Tanginaa...

Bigla'y lumitaw, isang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko, ang Glasis na nangti-trip sa'kin ngayon. Namalibis ang luha sa mata ko habang pinapanuod ang bawat galaw niya palapit sa'kin.

Ang dalawa niyang kamay ay naging matulis. Kagaya ng napapanuod ko noon sa TV, iyong mga alien na kayang baguhin ang anyo ng katawan nila. She made her hands her blade!

Napalunok ako habang naninigas. I can't still move!

"Commander! Commander, wake up!" Naramdaman ko ang malakas na pag-alog sa'kin tapos ay isang malakas na sampal.

Unti-unti ay kumunot ang noo ko. Bumungad sa'kin ang pawis na pawis na si Claus. When I looked at his cloak, punong-puno na ito ng itim na likido. Parang pinukpok ang ulo ko nang makaramdam ako ng pangingirot doon. Maagap akong sinalo ni Claus when I couldn't support myself.

Nang makabawi sa biglang pagsakit ng ulo ay saka ko lamang napansin na bumalik ako sa lugar kung saan ko naiwan sina Dorothy.

Oo nga pala! Si Dorothy!

I searched the whole place but I couldn't see anyone aside from the two of us. Halos magdugtong ang kilay ko nang lingunin ang lalaking nagkukulong sa'kin sa mga bisig niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tale of the Fallen CommanderWhere stories live. Discover now