제 2 장 : Trying to hold on but wanting to let go

123 0 0
                                    

Author's Note:

>> yey may 5 reads na ko!!! thanks po sa mga nagbasa... But I need po some of your shout outs also.. for me to know na nagugustuhan nyo po yung story. pasensya na matagal ang update T_T..... sori rin maiksi ako gumawa ng chapters... T_T

Ako si Anya, 29 years old. Hindi ako nagta-typecast ng music pero wala talaga sa hilig ko ang Korean songs. Wala naman kasi akong maintindihan. Kaya nga hindi ko maintindihan kung ano nagustuhan ni Carley don.

Wala rin akong ibang trabaho kundi ang mag-bake. My older sister Maria and I started this small baking business. Ako ang taga-luto sya ang nag-aalok sa mga officemates nya. And so far, kahit nagka-kakalyo na ko sa kamamasa ng mga ginagawa kong crusts for our pies, our small business is doing good.

I have a boyfriend named Alvin. 2 years na kami. Although I'm pretty sure he's the one I want to be with for the rest of my life, he's still not asking THE MAGIC WORDS. Alvin's having the time of his life now. Isa na sya sa candidate para maging Team Leader ng Call Center na pinapasukan nya dito sa Laguna. He's living the life he wants to have as a single. Biruin mo nga naman sumu-sweldo na sya ng malaki, wala pa syang obligasyon kundi ang sarili nya at.... ang barkada nya. Madalas ko na to ireklamo sa kanya dahil mas marami syang time sa friends nya kesa sa kin. Biruin mo, ako ang girlfriend ako pa naga-ask na magkita naman kami? But Alvin seems not to be bothered by this. Porke alam ng mokong na mahal na mahal ko sya kung maka-take for granted wagas!

But this bothers me much. Nararamdaman ko na kasi na parang nagsasawa na ko sa ganitong sitwasyon. Feeling ko unti-unti na nawawala ang feelings ko sa kanya. Kaya nga kahit wala naman akong masyadong interes sa Korean Boy Band ni Carley pinatos ko na para lang malibang man lang ako paminsan-minsan.

"Ate Anya." Hindi ko namalayan na nasa kitchen na si Carley. Lumilipad na naman ang utak ko.

"Naiisip mo naman na naman si Kuya Alvin noh?"

Carley knows what's happening between me and Alvin. Isa kasi sya sa pinaka -close ko sa aming magpi-pinsan. Napa-buntung-hininga lang ako.

"Ilang weeks na ba kayong di nagkikita?" tanong uli nya.

"Three weeks." sagot ko. Another sigh come out.

"Alam mo ate, hindi naman sa inuunahan kita ha. Alam ko mas magaling ka sa kin mag-advice, pero sa tingin ko kailangan mo na mag-desisyon about you and him. Kasi nakikita ko how sad and hurt you are right now.."

Tiningnan ko sya at napailing ako. Batang 'to, naga-advice habang nilalantakan yung mga boat tart. She stopped eating. Napasin ata nyang nakatingin ako sa kanya.

"Ooppss.. Sorry.." nakangiti sya habang sinosoli yung bagong kuhang tart.

"Sige lang. Marami pa naman doon sa isang tray." I said. "Ituloy mo yung sinasabi mo."

she smiled and obliged. "Yun nga.. Uhm, kung ako lang ang masusunod gusto ko hiwalayan mo sya. Hindi tama yung ginagawa nya sa'yo. You've been together for what? Eternity na ata yan eh. Pero ganito pa rin sya? Di ba dapat nagiisip na sya na pakasalan ka at hindi ganito? Ok, gusto ko din sya na lang mapangasawa mo kasi I know how much you love him, pero kung palagi ka naman nya ihe-hurt, ayoko na lang. I rather see you happy as a single kesa naman sa may bf ka nga, wala naman pakialam sa'yo."

I felt my tears. Tama sya. Kung pipilitin kong mag-stay for the sake of the relationship pero palagi naman akong nasasaktan, mas ok na nga sigurong maging single. Lumapit sa kin si Carley at inabot ang isang pirasong kitchen napkin.

"I'm sorry girl. Yun lang naman ang point of view ko." she said apologetically.

"Hindi ok lang... Ganyan ka naman eh!" nagkatawanan na lang kami sa punch line ko.

Napapitik sya. "Alam ko na! Tutal ibabalot mo na lang naman yang mga yan, mamaya mo na yan gawin. Aaliwin kita." sabay smile

"Utang na loob ha. Kung sasayaw ka sa harap ko lalaslasin ko leeg mo."

Natawa sya. "Hindeee... Halika manonood tayo." sabay hila sa kin sa kwarto ko.

Binuksan nya ang dala nyang laptop. I smirk. "Hhmmm... I wonder what are we going to watch?"

"Hehehe... Aaliwin nga kita di ba!" she said, full of excitement.

"Oo na lang. Ano ba panonorin natin kahit ikaw lang naman ang excited manood?" Sabay taas ng kilay.

"Mga MTV ng Superjuniors lang."

Umupo ako sa kama at tinitigan ko sya "Hoy babae, kapag ako hindi naaliw sa ipapanood mo sa kin pababayaran ko lahat ng ni-rape mong boat tart!"

"Hahaha! Wag ka naman ganyan, sabi mo sige lang kasi marami pa naman? Chill ka lang, dami dito gwapo di lang yung crush ko." and she started playing those MTVs. Una namin pinanood yung MTV nilang NO OTHER. She was right marami ngang gwapo. I specifically saw a guy and ask her his name.

"Aahhh.. Si Siwon yan ate. At oo gwapo sya. Lahat naman sila gwapo eh." then she flashed me a smile.

"Oo lahat sila gwapo pwera sa crush mong gay, gay, gay."

"Ate naman eh..." she protested. Syempre sino nga ba naman ang gustong apihin ang crush nila?

My Super BebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon